Maglalabas lang po ng saloobin

Hi po, I'm currently 19weeks preggy and 16yrs old lang po ako. Kung tatanungin nyo po kung bakit ako nabuntis ng ganito kaaga is nagsasama na po kasi kami ng partner ko. At the age of 15 lumayas na ako samin at sinubukan maghanap ng trabaho pero dahil minor pa nga ay napapaalis din ako agad at madalas akong nababastos ng mga tambay kaya nagpasya siya na kunin na ako. Kung tatanungin nyo naman po bat ako naglayas samin ay dahil sa mga nangyari. Narape po ako ng tito ko at kinampihan ng buong pamilya ko yung tito ko, pinauwi siya sa kanila at sinabihan na mag bagong buhay samantalang ako pinagpasa pasahan ng mga kamag anak ko at ginawa akong katulong. Mula 2 or 3am gising na ako para magluto sa tindahan namin at ako lahat gumagawa dun. Tindera, luto, taga linis, hugas at pag linggo lang kami sarado pero lalabhan ko marumi namin ng buong linggo damit ng 9 katao. To the point na hindi na ako nakapag aral kaya di ko na kinaya at naglayas na at dun na nga ako kinuha ng bf ko. Pinag aaral nya ako, binigyan ako ng allowance, cellphone, prinovide nya lahat ng pangangailangan ko. Kaso ayun nga natukso kami at nabuo na nga ang nasa tyan ko ngayon. Wala naman kaming problema kasi kumpleto ako sa check up, vitamins at mga pangangailangan namin ng baby namin kaso lang po pinoproblema namin baka ma cs ako di naman ako macocover ng philhealth nya at wala namang philhealth magulang ko o kahit sino sa pamilya namin kaya nagdadasal talaga kami na di ako ma cs. Pinili ko rin na di sabihin sa pamilya ko, ayoko maranasan ng magiging anak ko lahat ng naranasan ko. Plss po wag nyo ako ijudge, di ko rin ginusto lahat ng nangyari sakin sa puder ng fam ko. #firs1stimemom #firstbaby #teenagemom #rants

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi! as long as your partner is there to guide and support you and your baby it'll be fine. My doctor advices me to maintain a healthy diet para di masyado lumaki si baby sa tummy para di ma cs. Take a deep breath hunnie❤️ we're all here for you if you ever need an advice

3y ago

salamat po

pwede ka naman ata kumuha ng philhealth tas magpublic hospital kayo para makatipid din. ako feb edd ko pero next week pako magbabayad. ok lang daw ung hanggat di ka pa nanganganak. nuod kadin sa yt about Philhealth.

3y ago

pinag iisipan pa din po namin kung public kami o private kasi mas maasikaso ka sa private eh

19 weeks preggy na rin ako bhe, importante jan eh inaalagaan ka ng partner . at mahal nya kayo mag ina nya. yun lang careful kana next time at mag birth control kana.