Paano malaman na ikaw ay buntis?

Hello po im 21 yrs old and na ccurious po ako ano ang mga unang sign na ikaw po ay buntis? Malalaman poba kagad yon sa loob ng isang bwan? Nag aalalala po kase ako kase madalas po sumakit tyan ko at di pako dinadatnan

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Iba2 kasi ang signs ng mga babae sis, ako lumabas as early as weeks after conception… antokin, gutomin and walang energy.,, nag PT ako negative, after 3 days pt ulit.. lumabas na faint line pero di pa din sure.. until nag delay ako ng 1 week.. dun na ako sure… Ang iba naman, sabi nila parang wala lang, like di nila alam na buntis na pala sila… So kung delay kana, mag PT ka nalang..

Magbasa pa

Iba iba po ang signs minsan sis. Nong di ko pa alam na buntis ako sobrang antok ako tas parang parati akong pagod na pagod, nagugutom din ako nang madaling araw kaya bumabangon ako para kumain. Nong 2 weeks delayed na ako sobrang pagsusuka at pananakit ng nipple naman naranasan ko. Mag PT ka na sis tas sa madaling araw mo i try yong first na ihi mo tas 3 na bilhin mo na PT para sure.

Magbasa pa

Missed period sakin, regular kasi ako (28days cycle). Symptoms nung di ko pa alm na preggy ako ngcrave lng ako sa isang food (mocha cake). Mejo lumakas dn ako kumain, take PT para maconfirm, advise ko 2weeks aftr ng date ng monthly period mo dapat pra clear lines na

sakin missed period, then mejo nag lbm ako tapos ewan ko nagtuklap yung skin sa ngala ngala ko nun nagtaka ako bakit ganun first time sa buong buhay ko yun, tapos bloated ako. medyo tinatamad ako noon. then yun nag pt ako and positive na nga 😊

Sa akin namn po 3 days delayed na ako ,ihi ng ihi ,tsaka nagka sipon at lagnat pa ako hehe at diko pa alam na buntis ako nag iigib pa ako ng tubig ,buhat ng mabibigat hanggang sa sumakit ng sobra yung puson ko buti nalang safe si baby hehe

ako maaga palang nalaman ko ng preggy ako. masakit dede ko lalo na ung nipple, sinsikmura, cramps, masakit ulo, antukin. 5weeks palang ako now. pinapabalik ako para sa ultrasound. masyado pa daw maaga nung nagpacheck up ako.

ako kahit di ko pa alam na delay ako nag pt agad ako kasi iba na yung pakiramdam ko. ayun positive. breast tenderness, masakit na puson, likod, tapos parang may trangkaso. eh bago ako nag take ng gamot nag pt muna ako.

sakin po nung di ko pa alam na buntis ako yung sign na naramdam ko is naduduwal, kapag nakakakita ako ulam na masarsa or any ulam na kulay orange yung sarsa nawawalan ako gana😂 naghahanap ako lagi ng matamis.

Kahit 1 day delay ka lang take PT agad then check up sa OB. Kailangan ng vitamins at mag ingat lalo na kung early stage ka ng pregnancy, need mo mga vitamins para maka help sa development ni baby.

ako mahihiluhin ako, madaling mapagod tapos nagdilim pa paningin ko. hindi pa ako delayed non kaya hinintay ko pa madelayed ako tapos after 4days nag pt na ako ayun + ang linaw.