Need advise

Hello po. I have something thats bothering me and I need advice po. I am 26yrs old and bf ko po ay 23yrs old. Been together for 2yrs and LDR kami as of now. Nasa Manila siya, nasa province ako. We have a 4 month old daughter. Eto po problem ko. Noong June 2020 pinauwi ako ng magulang ko sa probinsya namin kase nalaman niyang buntis ako. Pumunta po si bf dito sa province namin para magpaalam sa parents ko na magpapakasal na kami. Yung papa ko po okay naman kaso yung mama ko todo kontra. Andaming dahilan. Kesyo pandemic pa. Kesyo magaabroad pa ako at kung anu-ano pa. Netong November 2020 po pumunta siya ulit dito samin kasama ang parents niya and again napagusapan na naman ang kasal. Yung nanay ko po ganon pa din. Kesyo di daw makakauwi yung mga kamag-anak na nasa ibang lugar kase nga po pandemic. Alam ko naman po na kumukontra siya sa pagpapakasal ko kase di pa po nila gaano kakilala yung bf ko gawa ng sa Manila po kami naka-base noon. Alam ko naman po may sama ng loob sakin ang mama ko kase na-halt yung pagaapply ko sa ibang bansa gawa ng nabuntis ako. Sinasabi niya na di ko man lang daw naisip na tulungan sila na makaahon sa buhay bago ako nagpabuntis. Noon naman pong nasa US ako lahat naman ng kailangan nila binibigay ko. May monthly allowance silang $1000 bukod pa sa mga pahingi hingi at hirit hirit nila. Noong una po parang nagdadalawang isip din ako na umuwi kay bf kase medyo magulo po ang sitwasyon nila ng pamilya niya ngayon pero netong mga nakaraan eh naaawa na po ako sa kaniya kase panay siya tanong kung kelan na daw niya makakasama kami ng anak niya. Gusto na daw niya na paguuwi siya ng bahay eh madadatnan na niya kami ng anak niya. Natuwa naman po ako doon kase noon po talagang di siya makatanggi sa mga barkada niya. Pag nag-aya go agad. Minsan itatago niya pa sakin na umalis siya at malalaman ko na lang huli na. Yung mga kaibigan pa naman niya eh lagi siya inaaya kase siya lang ang may sasakyan sa kanila. Tapos ipapakilala pa siya sa mga babae sa inuman. Kaya talagang pinagaawayan namin yun. Nung sinabi ko po yun sa mama niya nagalit din siya sa anak niya at pinayuhan ako na umuwi na kay bf para nga po maramdaman na ni bf na may pamilya na siyang sarili. Ngayon po di ko na alam gagawin ko. Gusto ko na din po na makasama siya ng anak namin kase lumalaki ang bata na di siya nakikita pero di ko po alam pano maeexplain sa nanay kong sarado ang isip na ganon ang gusto ko. Pasensya na po sa sobrang haba. Thank you po sa pagbabasa at sana makakuha ako idea pano po gagawin ko. Salamat po.

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Go where your family is, time na para magsama sama kayo. Ganon lang yun kasimple.