Hello po, hingin ko lang sana advice niyo. Kamamatay lang po ng biyanan ko and medyo malaki laki ang gastos sa burol at libing. Solong anak po ang asawa ko kaya wala din siyang maaasahan na iba. Ngayon po hinihiram niya muna yung inipon ko na pangpaanak ko, 35 weeks na po ako. Hindi ko naman matanggihan pero di ko rin maiwasan na magalala para sa panganganak ko dahil malapit lapit na. Tapos tinanong niya ko kung ayaw ko ba raw na sa Public na lang manganak para makatipid daw kami. Totoo naman pong malaki ang matitipid pero yung safety namin ni baby ang iniisip ko. Ano po ba dapat kong gawin? 🥺