Breastfeeding tips

Hello po heeelp. I'm a single first time mom, 5 days old pa lang po si baby and pure breastfeeding pero parang gusto ko na sukuan 😫 grabe malapit na maubos pasensya ko huhu every 1hr or 2hrs naghahanap ng dede so ang ending literal na hindi ako nakakatulog. Makatulog man, mahaba na yung 2 oras putol-putol pa. sobrang sakit na rin ng balikat at braso ko. Any tips po on breastfeeding please... πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ» And also pwede ba ko mag lagay ng salonpas sa katawan? Sana may sumagot. Tia!!! Edit: Thank you sa mga advises, much appreciated! πŸ’š Pero yung sa ibang comments na hindi yata na-gets yung point ng post ko, malamang yung breastfeeding gusto kong sukuan hindi yung anak ko. Kaya nga ko nanghihingi ng "TIPS", dahil gusto ko rin naman talaga ituloy kaso parang unang bibigay yung katawan ko at ayoko dumating sa point na yun.

99 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pwede ka po mag breast pump mommy para yung kasama po sa bahay muna magpadede kay baby kapag kailangan mo ng pahinga... pwede i store ang na pump na milk up to 4 hrs sa room temp... 4 days sa refrigerator

Been there, mommy πŸ˜… first few weeks ni baby ko lagi gusto dede, unli latch. Lilipas din po yan. After ng ilang months magiging normal din po ang oras ng dede niya. Mabuhay ang breastfeeding moms! πŸ’•

hahah ate 5 days pa lang yan di mo na kaya 3 na anak ko never ako nagcomplain sa puyat. 20 days na 3rd baby ko sanay na ko sa puyat. sanayan lang yan wag maging maarte sa anak. anak mo yan.

In my case, mas gusto ko ung pure breastfeeding, bukod sa di ka na tatayo para magtimpla eh, less pagod at puyat pa. πŸ˜‚ Tipid at mas healty si LO. πŸ’— Sa una lang naman po mahirap 😊

kawawa po ang baby kung ganiyan iniisip niyo ☹️ tiis-tiis lang po dahil growth spurts lang nila 'yan, matatapos din at hindi na ganiyan kahirap pagtuntong ng 3 months

naloka naman ako sayo GORL . 5 days palang susukuan mo na haha di naman reason ung pagging single mom dapat nga mas nag ttyaga ka.

3y ago

Wag mo ijudge yung tao kung nanay ka siguro alam mo din kung bakit. Pag bagong panganak roller coaster pa ang emotions nyan kaya di mo sya masisisi.

magpadede ka ng side lying mi para hindi manakit ang katawan mo ganyan din yung panganay ko laging dede ng dede, sa pangalawa naman tulog ng tulog.

nku sis ganyan tlaga ng breastfeeding tlagang nakakapagod pero worth it yan sis. Bukod sa healthy na, Tipid pa lalo na ngayon pamahal ang bilihin.

try mo magpump mi. tapos ipatry mo na din kay baby ung bottle feeding. mas magkakasakit ka niyan since di mo na maalagaan sarili mo.

kahit namn po hindi ka nagpapa breastfeed every 2hours mo padin papadedehin si baby πŸ˜… ganun po talaga simulan mo ng masanay