SANA MAY PUMANSIN
Hello po. Gusto ko lang po sana mag share and makaalam kung may kapareho ako ng case :) , nag bleeding po kasi ako nung aug 13.2019 pero kasama lang sa wiwi ko. Nag pa check up naman po kami after sarado cervix ko and malinis din po ang aking urinalysis. May binigay na gamot ung progesteron ung ipinapasok sa vigina pampakapit daw po ng baby. After 2 days nag bleeding ulit ako, pinag ultrasound ako ng OB naka Y shape na yung cervix ko. Dapat daw T shape un pag nakasara ung akin halos half ng measurement ng cervix open na. So bed rest ako and pinag inject na din ako ng pang pa mature ng lungs ni baby kasi baka daw anytime pwd sya lumabas. FTM here 28 weeks and 7 days na po ako today.
it's a healty Baby Girl