Hinala

Hello po. Gusto ko lang po sana mag labas ng hinanakit. Simula po kasi nung nakita kong sumali sa fb group ang lip ko, di na ako mapakali at lagi na akong nag hihinala. Yung fb group po kasi na yun, puro mga babae na labas ang dibdib. Mga labas kaluluwa ganun. Ni confront ko siya about dun. Sabi niya di naman daw po siya perpekto para hindi maiwasan ang ganun. Umalis na po siya sa fb group na yun. Days have passed, naka wfh si lip, naiintindihan ko naman na busy sya. Busy sa gawain. Pero syempre gusto ko parin lambingin ako, pansinin ako. Lalo na at 23 wks akong buntis. Tayo pa namang mga buntis masyadong madamdamin. Ang kaso, hindi man lang niya ako mabalingan ng lambing. Need ko pa po sabihin sakanya na lambingin niya ako. After nya sa work niya sa cp na agad siya busy. Buong araw siya sa pc at cp niya. Una hindi ko pinapansin. Ang kaso hindi ko mapigilan at may patawa tawa pa siya. Nung tinignan ko ang messenger niya nakita ko may 2 new friends siya na babae na di ko naman kilala or di naman niya kilala. At ayun na nga. Nag hinala nanaman ako at di nagpansinan. Nagkaayos, pero hindi nagkausap ng ayos. Tapos nitong kanina lang, kanina ko lang nahawakan ang cp niya ulit dahil hindi na ako mapakali at palaging may ka chat siya. Malaman laman ko po, bago ang pw niya sa cp niya. Siya ang nag inform sa akin, dahil daw pag binubuksan ko ang cp niya lagi na lang daw po akong naghihinala. At ayun nga po, sabi ko sakanya na bakit niya binago ang pw niya at alam naman niyang malilimutin ako. Hindi na kailangan pa yun. May tinatago ba siya para ibahin pa. Ang sagot nga po niya is dahil sa pag hihinala ko. Hindi ko na lang pinansin ang sagot nya at hinayaan na lang dahil sa away nanaman po ang bagsak. Tapos, bumaba na po kami para mag gabihan. Panay dutdut parin po siya sa cp niya. After kumain dutdut parin sa cp niya at pag titignan mo ngingiti ngiti pa siya. Nainis ako kaya nauna na ako umakyat para magpahinga. Haays. Gusto ko sana kausapin. Kaso malamang panibagong away nanaman

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Habang nag celphone sya tignan mo.no ginagawa para mapanatag ka sis hirap ang puro hinala mastress ka lang. Everytime nagdodutdut sa.phone tabihan mo or s likod ka para kita mo ginagawa nya

Di ko pa naman nasubukang mambabae. Pero kung may kachat ngayon yan. Kapag wala na sa paningin mo yan meet up na kasunod nyan.