Scary (Thank u sa makakapansin)

Hello po! Gusto ko lang po sana i-share yung panaginip ko kaninang midnight. I don't know kung sa stress pero pinipilit maging okay eh. I am turning 6 months pregnant then nanaginip ako na march na daw (i don't bakit march kasi siguro march month yung 1st baby ko) pero nanganak ako ng december pero march pa daw talaga ako ? Then baby boy ang baby ko pero bakit paglabas daw baby girl na. ? dapat nga daw po CS pa ko pero medyo nagwawala daw ako kasi ayaw ko talaga ng CS then maya konti bigla lalabas baby ko ng kusa, paglabas nya okay naman sya ang kaso naiwan daw sa tyan ko yung bahay bata kaya tumawag pa daw talaga ng doctor. Then naalala ko po yung kwento ng papa ko nung nakaraan, namatay sa panganganak 1st wife nya. Then may 2nd pa po ako na panaginip nasa kwarto daw po ko namin eh madalas patay ilaw kasi di naman need, nasasakupan naman po kasi ng ilaw sa hagdan & ilaw ng kusina so okay lang so parang nag-update ako ng snappy ko inayos ko yung hawak, pag-ayos ko ng hawak tumagilid papunta sa left side ko yung front cam ng phone then nakita ko may katabi daw akong babae kasi nakaupo daw po ko sa kama na nakasandal sa pader. Ewan ko ba mommies i don't know kung ano meaning pero gusto ko lang i-share dito if may makapansin. Actually tinatatagan ko loob ko ko dahil I have a daughter & lalo na pure breastfeed sya almost 2 yrs old na, alam ko kelangan nya ko...

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Nightmares are typical especially when you are at your 8th-9th month of your pregnancy.. Yung anxieties, stress, nakakaapekto hanggang sa dreams natin. Nitong nakaraan lang nanaginip ako I was soaking in blood while on labor. Very scary.. Then naisip ko sobrang stressed ako sa kaiisip kasi nasabay na may sakit byenan ko tapos kabwanan ko na. Di na alam kung ano ipaprioritize.

Magbasa pa

Kung ano mga pinannood mo like nanuod ako ng kjms nun tapos meron yung parang me lalaki daw na na mapula yung mata na nakatayo sa bintana tapos nakatingin sayo.tapos takot na takot ako nun, kaya bigla akong nagising chenick ko yung bintana sarado naman..iwan ko ba.nag pray nalang ako at nagpasalamat na panaginip lang un.kasi nakkaloka..

Magbasa pa

Normal lang momshie na magkaroon tayong mga preggy na mga weird dreams kung tawagan,mapapaisip kana lang din talaga pag gising mo pero mas matimbang pa rin ang panalangin.ganyan din ako ang dami kong kakaibang panaginip.

VIP Member

Ako po kung anu anong nppanaginipan ko almost every night yun madalas puro kawirdohan. Knukwento ko lahat kay partner pg gising.. Some are bad dreams pero di ko binibigyan meaning, for me PANAGINIP lang sya as is..

Sabi po sa nabasa ko, yung mga panaginip daw natin pag buntis tayo eh reflection o nagrerepresent ng mga fears, insecurities, weakness etc natin habang nagbubuntis. Kaya dapay puro happy thoughts daw tayo.

Ganyan din ako sis 4-5months pregnant ako lagi akong nananaginip ng babae na nakakulay itim tapos di ako makagalaw na parang naninigas pero pray lang katapat nyan 😊

Magpray ka lang momsh. I dont believe in myths. But i do believe in God. Just be calm and relax. Dont stress yourself ,because it can cause harm on you and your baby.

kung kya mong ideadma ehh ideadma mo nlng pra ndi kna rin mg isip pa!.. pray ka lang plge sis at isip ng mga magagandang bagay pra magandang bagay din mapnginipan mo

Pray mommy every noght. Di maiiwasang makaimagine and managinip tayon ng bad but nasa sayo kung matatakot ka or jindi. Always pray before and after sleep

Ung mother ko ganyan daw sya dati managinip puro babaeng naka itim. Parang 6months sya nun lagi syang pinapakitaan ng babae sa panaginip.