nanunumbat

Hello po, gusto ko lang po maglabas ng sama ng loob. Siguro after nito makakagaan na rin sa loob ko kahit ppaano salamat po. First time mom po ako and dito ako nakatira sa mama ko since nanganak ako, 2 mos na si baby. Si hubby nasa malayo kaya dito kami tumitira sa bahay ng mama ko. Ok naman nung una tsaka si mama ngbayad ng pangospital ko. Wala kasi kaming naipon ni hubby, dapat sa public nalang ako manganganak kaso pumayag si mama siya muna mgbayad. Madaming gastos ang baby lalo na vaccines etc. Si mama ang nagbabayad kasi yung tiyahin ko pedia kaya gamot nalang kailangang bilhin. Tapos kaninang umaga out of the blue habang naguusap kami ng kapatid ko biglang nagsabi ang mama ko na, "Magpasalamat kayo kung anong hinahatag sa inyo mapa pagkain man yan. Pasalamat kayo nakakalibre pa kayo ng vitamins, pasalamat kayo nakakalibre pa kayo ng bakuna." Na stunned ako sa mga sinabi nya. Pagkain lang pinaguusapan namin ng kapatid ko tapos nanumbat na si mama. Di nalang ako nagsalita pero naiyak nalang ako sa sama ng loob. Siya may gusto na tumira kami dito dahil sapat na sapat lang ang kita ni hubby at umuupa pa. Iniisip ko rin na kahit mgkalayo kami ni hubby kahit papaano ok lang para makasama ng mama ko si baby pero may masasabi pala na parang labag sa loob nya ang pagaruga sa amin mag-ina. Malaki ang pasasalamat ko kay mama pero sobrang sakit nya magsalita. Tinawag pa nya kaming kawawa ni hubby nung makalawa dahil wala daw kaming pera, umuupa pa at walang ipon. Inaamin ko naman na kawawa talaga kami pero mas naramdaman ko na kawawa ako dahil sa mga pananalita nyang masasakit. Nahalata nya yata na nasaktan ako kaya bigla nyang nabawi pero nasabi na nya. Plano ko umuwi na kay hubby para wala na kami marinig na masasakit na salita, kasi kung si hubby naman tatanungin gusto nya dun kami umuwi sa kanya kahit mahirap ang buhay. Talagang si mama lang nacconsider namin pero may masasabi pa pala. Yung isang tiyahin ko lihim kami tinutulungan financially. Nagaabot paminsan kasi kapag nalaman ni mama siguradong magagalit. Ok lang naman sana kung tipid talaga pero kung makapagwaldas sila ng kapatid ko ng pera minsan kakain sa labas, grocery ng mga tinatambak lang naman minsan nageexpire pa dahil di na makain, pinammigay nalang. Salamat sa mga nakabasa. Pasensya sa mga nainis. Kailangan ko lang po talaga ilabas ang saloobin ko.

57 Replies

VIP Member

May karapatan naman ang mom mo na magsabi ng ganyan. May partner ka pero di nya kayo magastusan dahil sapat lang ang kinikita nya tapos napagsalitaan ka lang gusto mo na umalis sa puder ng mama mo eh di ka naman kayang buhayin ng partner mo. Samantalang ung mama mo na di ka na dapat responsibilidad eh sinasalo lahat ng hirap para lang mabuhay kayong mag ina. Magpasalamat nalang po at mahal kayong mag ina ng mama mo

My mga ganyan tlgang nanay na kht willing cla mag bigay ng tulong darating dn araw na isusumbat sau kea kng aq sau kng maka luwag luwag kau time na makapag bawi ka pra iwas sumbat gawin nyo lahat ng makakaya nyo pagsisikap pra mapatunayan nyo na hnd habang buhay kau na tutulungan kng sa finacial wla pa kau maambag pede naman sa ibang bagay muna bumawi gaya ng halimbawa sa bahay mga gawain kng ano man pede nyo maimbag

Kung tutuusin tapos n responsibility sayo ng mama mo the time na nagbuo k n Ng sarili mong pamilya. It's true n dapat magpasalamat ka dahil tinutulungan ka parin niya. Hiw I wish nanay ko may pantulong din sakin. Pero Hindi nga pwedeng ganun lang lagi. Gusto niya magsikap kayong mag-asawa at gawing mas maayos ang inyong sitwasyon. Yung makita nyang kaya nyong dalhin pamilya nyo kahit walang tulong ng iba.

Normal lng cgro sa nanay un ganun mgsalita, mas malala pa nga mama ko nun, nilalait tlga pgkatao ng asawa ko kc walang wala din kmi nun hehe. Pero as time goes by, magbbago nmn po yan. Mas ok kung sumama k nlang nga sa aswa mo pra pareho nyo pagsumikapan ang buhay may pamilya. At wag k po mgtanim ng sama ng loob sa mama mo, mahal k po nya para kupkupin kyo ng baby mo, gnun lng tlga sya mgsalita.

tangapin mo na lang kung anong sabihin ng mama mo,kasi totoo naman yata mga sinasabi nya,minsan ang katotohanan ang masakit,mahirap pag may anak ka na tas wala kang gabay ng nanay,ako kasi na stroke nanay ko kaya hindi na ako nagabayan ng matagal sa mga Anak ko ,ngayon 2 moths na syang patay ,at sobrang na mimis ko sya,alam mo sender naingit parin ako sayo kasi andyan mama mo kahit papaano.

Condolences po sis. God bless and stay strong po tayo.

VIP Member

Totoo naman e, hinde sa kinakampihan ko mama mo pero nirealtalk ka lang nya. Lahat ng totoo masakit. Cguro para marealize nyo na ito ung realworld. Need nyo magsumikap. Dapat naman talaga be thankful dahil may mga tumutulong sa inyo pero advice ko lang.. Lahat ng tao nagsasawa din tumulong kahit kapamilya mo pa yan. Dadating ang time you and your partner will be on ur own. Be ready

Salamat po

Ganyan talaga mga nanay. Ididis courage ka para marealize mo yung mga bagay bagay. Hindi sa hindi ka mahal pero isipin mo nalang, paano ka pala kung wala yung mama mo edi mas kawawa ka pa sa sitwasyon mo ngayon. Hug mo nalang si mother mo, I assure mo sya na makakaraos din kayo at giginhawa din buhay nyong mag asawa. (ganyan din kase mama ko) keep praying. God bless.

VIP Member

Momshie, wag pong mag-isip ng masama. Sa tingin ko naman po di nanunumbat ang mama mo at maganda naman ang sinabi. Sobrang swerte nyo nga po dahil may mama kang tutulungan ka kapag nangangailangan ka. Hindi ka niya pinabayaan hanggang sa manganak ka. Dun pa lang sobrang swerte nyo na po. Be positive lang! Baka stress lang din si mama mo. Intindihin mo nalang

Salamat sis. Opo maswerte po ako sobra pero minsan di ko po maiwasang masaktan dahil siya naman ang namilit na tumira kami at umako sa lahat ng gastos, oo dahil mama ko siya pero sana wala na lang banggitan dahil rin siguro nagppost partum ako dahil sa sitwasyon ko ngayon, nadadagdagan pa ng mga masasakit na salita. Ilan ulit na rin po kasi simula pagkapanganak ko. Salamat po sa pagintindi at payo sis.

Para lang sa akin mamsh. Uhmm ikaw yung umunawa sa mama mo ang swerte mo nga hindi ka pinabayaan meron iba dyan pinalayas. Mahal ka ng ina mo you should be grateful habaan mo pasensya mo. Ikaw yung mag give way sa mama mo. Kasi unang una ang pag pamilya hindi inaasa sa parents responsibility nyo nyan mag partner swerte ka meron kang mama tumulong.

Yes sis. Sobrang thankful ako sa kanya pero yung pagkakasabi lang nya kanina pagalit at wala naman sa topic kasi. Balagbag kumbaga. Isipin mo nananahimik ka tapos bigla ka sisigawan, parang ganun po ang pakiramdam. Inuunawa ko po siya ng labis at mahal ko siya. Inako nya ang gastusin namin at malaki ang utang ko sa kanya dahil pwde naman nya kami pabayaan. Ang akin lang, wala akong ginagawa at sinasabi kanina bigla lang siyang pagalit na nagsalita ng ganun.

IHA MAHIRAP TALAGA UMASA SA IBA. NANAY MO MAN YAN, PERO DI KA NA NIYA RESPOSIBILIDAD. NAAAWA LANG SIYA SAINYO. AYUSIN MO BUHAY NIYO. MAGWORK KA KASI. NAKAKAHIYA KAYI JUSKO. AKO 22 LANG AKO PERO DI KO PINAPABAYAD YAN SA MAGULANG KO AND ANG IPON KO BAGO MANGANAK MAY 160K AKO PLUS YUNG SSS KO PA NA NASA AROUND 60K DIN... Damig paraan sis!

Trending na Tanong