hubby's hobbies (spg)
Hi po. Gusto ko lang po itanong kung naranasan niyo po sa mga hubby niyo na mahuli sila na may sinostalk na ibang babae. I mean yung mga babaeng palabasan ng kaluluwa sa ig at fb? Atsaka, naranasan niyo na po ba na nag confess sainyo si hubby niyo na nag masturbate siya while having sex with you? Actually, napag usapan na po namin yung sa babae na part at nag sorry na siya. Pero yung sa masturbation niya hindi pa. Na offend po kasi ako don. . Thank you!

Naranasan ko na yan sis as in tinago nya sakin. Naging LDR kasi kami sa iba sasabihin nila na normal lang sa lalaki pero hindi yan normal lalo na kung may asawa. Be vigilant kasi si hubby naging addiction nya yong panonood at pag ma masturbate. Wala akong kaalam alam pero napansin ko pag magkasama kami ang hilig nya tumingin sa mga babae. Hanggang sa aksidente ko syang nakuhanan ng video nong nagbakasyon sya nasa isang resort kami. Titig na titig sya sa babae na parang hinuhubaran na ng tingin. Lumapit aq sa knya at tinanong ko sya pero sbi nya napatingin lng sya pero iba talaga nakita ko. Hanggang sa bumalik sya abroad. One time nabuksan ko account nya nakita ko bakit may mga pinapanuod sya na may mga intimate scene may mga babae din na actress mga sexy stars. So tinanong ko sya sbi nya nag recommend lang daw pero di daw nya pinapanuod. Napaisip ako nun then I started to pray for him na ilayo sana sya sa tukso/temptation di naman ako nag p pray ng ganun dati puro lang ako pray for his safety & good health since malayo sya saamin at sobrang nag trust ako sa husband ko.. Nagulat ako after 2 mos pa lang na nakabalik sya gusto na nya mag resign nagulat ako kasi madami pa kami mortgage pero hinayaan ko sya sa desisyon nya. Nong umuwi na sya mas madalas ko na mapansin na pag may nakita talaga syang babae lalo pag maganda or sexy tlagang napapatingin sya. I thank God kasi more than 1 month pa lang sya sa pinas ni reveal na ni God lahat saakin. As in lahat pilit nyang tinatago pero ang lakas tlaga ng pakiramdam ko. Kaya pala sya umuwi dahil naramdaman nya na di na nya ma control yong addiction na yun pati yong pg nkakita sya ng babae automatic nakakapag isip sya ng di maganda. Umuwi sya kasi feeling nya empty sya at iniiwasan nya na baka makagawa pa sya ng mas malalang kasalanan. Inamin nya na isa sa nakapag impluwensya sknya ay yong mga kasamahan nya. Everytime na may babaeng sexy o maganda nag uumpukan sila tapos pag nanasahan yong babae doon sya natuto mag fantasize. Mahirap labanan ang addiction although ngayon nakita ko na nag improve na sya. Ilang beses din na may nag council saamin from home church at may nag me mentor saamin na mag asawa ngayon naunawaan na ng husband ko na sin & immorality yun kaya nilalabanan nya.
Magbasa pa