FLY HIGH MY LITTLE ANGEL

Hello po, gusto ko lang ishare yung karanasan ko sa first baby ko, Actually april 17 pa siya nangyare pero ngayon lang ako nagka lakas ng loob mag kwento? April 15 po ang due date ko, nag lalabor na ata ako nung april 15 kase sobrang sumasakit na tiyan ko, nag punta kami sa Lying in para magpa IE kasi 39weeks and 6days close cervix pa din ako, in IE ako ng midwife close cervix padin kya pinauwi na ako, due date ko na pero close cervix pdin ako, pero sobrang sakit na ng tiyan ko, sumasakit na talaga ng sobra. Nagpunta kami sa ngayon sa Ospital para sana kung sakali imergency cs na ako, pagdating namin don inIE ako ng Doctor siya e, naging 2cm na ako kelangan ko daw magpa ultrasound para makita Findings kung keln talaga daw yung duedate ko. April 16 ng umaga sobrang sumasakit na tiyan ko nagpunta kami sa malpit na ospital n may ultrasound, pero inischedule pa ng april 17 kasi wala yung mag uultrasound sabi nung lalaki na nakausap namin na diko alam kung doctor o hindi, edi pinalipas namin ng isang araw, tinitiis ko nlng yung sobrang sakit ng tiyan ko. Dina ako nakatulog kasi sumasakit n talaga. Kinaumagahan 7am nagtext na yung ospital n mag uultrasound saken, agad kami nag punta don. Ng intay pa kami mga ilang mins dumating na yung dra. Pinapsok na ako sa room, pinhiga at inultrasound, tinanong ako kung kelan last Period ko, e God knows hindi ko talaga alam. Sabi ng dra. Bakit dina lang daw ako mgpa admit kase naglalabor n daw ako nagpa ultrasound pa daw ako, sobrang sakit na kasi talag ng tiyan ko. Fast forward Hinintay namin yung result, habang hinihintay namin namimilipit na ako sa sakit ng tiyan ko. Nung dumating na yung result at binigay samin prang mali ang Findings, kasi ang nakalagy sa result 35weeks palang ako. Dumiretsyo kami agad ngayon sa ospital na nanghihingi ng Ultrasound. Pag dating namin don, pinagbihis ako at in IE ako agad. 5cm na ako. Inadmit na ako ngayon, sinakay ako sa wheelchair t pinunta ako sa kwarto, bsta kwarto siya, tinitignan heartbeat ng baby ko, habang nag lalabor ako, grabe sobrang sakit talaga, First time mom ako at first baby ko, ganon pala kahirap kasi magisa ko lang dun sa kwarto, may mga doctor ata na ewan pero walang ibang topic kung di pagkain (fast forward) Nung sobrang sakit na talaga ng tiyan ko in IE ako ng dra. 9cm na ako kelangan daw 10cm pra paanakin ako. Pumutok na ata panubigan ko non kase may tumatagas na tubig e, para akong mtatae habang nakatayo ako kse pinaglakad lakad pa ako e, grabe sobrang sakit mag labor. Tinawag ako ng dra. Pinahiga na ako. (Ito na, yung diko mkalimutan na experience hnggang ngayon?) Pinahiga na ako ng dra. Nag gloves na siya, tapos ireng ire na ako. Pina ire nya na ako, binibigay ko lahat ng makakaya ko dahil ang nasa isip ko lang is "Kaya ko to, mamaya kasama ko na baby ko" Kada hilab Pinupush ko, diko alam kung expert ba magpa anak yung dra. Pero dalawang daliri lng ginagamit nya yung hintuturo at middle finger lang. Nagsipasok yung lima ata or apat na dra. Or ewan, bsta diko alam kung ano sila don basta lahat bbae, Habang umiire ako, umangat yung higaan kasi pinataas nila ako. Nagagalit na yung dra. Saken pinatayo ako pinaayos saken yung higaan na umangat, kinakabahan na ako, nung okay na Pinapaire padin ako, nka ilang ire na ako pero ayaw padin lumabas ng bby ko? Naka n95 mask ako kasi bawal daw alisin msk. Habang umiire ako tinatawanan ako ng ibang dra. Tintanong kung Nakakhinga pa daw ba ako sa n95 msk ko habang tumatawa sila, ako hirap na hirap na umire pero ayaw pdin lumabas ng baby ko, yung isa habang umiire ako tinatanong family plan ko? yung iba sinasabi buti daw ako may n95mask sila wala, nag hoard daw kami sabi pa nila habang ako hirap na hirap umire? Habang umiire ako, yung dra. Umaalis, diko alam kung san nag punta, inikot ko pa nga paningin ko sa kwarto pero wala siya, yung isa namng dra ba yun or ewan naglalaro ng Plants vs. zombie? ako hirap na hirap na? Fast forward Binibilangan ako ng nagppa anak saken 123 inhale exhale Push, kda push pinupush ko na talaga lahat ng makakaya ko, kada hilab Pinupush ko na lahat ng lakas ko, pero ayaw talaga lumabas ni baby ko nagdadasal na ako ng ngdadasal na Lord Gabayan mo po kami ng baby ko, bigyan mo po kami ng lakas ng baby ko?, yung mama ko nagmamaka awa na ics na ako kasi naririnig niya ako na sumisigaw ng diko na talga kaya. Kasi totoo diko na talaga kaya, dinadaganan na nga ng dalawang dra. Yung tiyan ko, as in dagan talaga pero ayaw padin lumabas ng baby ko, umiiyak na ako, natatakot. Diko na alam, pero ang gulo na ng isip ko non? Hiniwaan pa nga ako, pero ayaw parin talaga lumabas ng baby ko? baka makakain na daw ng pupu sabi ng dra. Kaya ang ginawa naman, Vinacuum, gumamit sila ng vacuum, Dalawang beses ginawa pero Ayaw padin, Inipit naman nila ngayon, diko alam pero may ginawa sila e para mhila baby ko pero wala, ayaw padin lumabas? Hinahanap nila Heartbeat ng baby ko, matagl nilang hinahanap. Nung humihina na daw heartbeat ng baby ko, Dinala ako sa OR? dun palang ako iccs, bingyan ako pampatulog, na cs na ako. Fast forward Pg gising ko, Hinanap ko agad ang baby ko sa dra., Tinanong niya ako kung okay lang daw ba ako? sagot ko "asan po ang baby ko?" Nasa Nicu daw, "Tinanong ko ulit Kamusta po baby ko?" Ang sabi ng dra. Okay ang baby ko, gumagalaw namn daw? Nilabas na ako para ilipat sa room ng mga nanganak. Hinihila plang ako palabas, sinalubong ako ng asawa ko? hinawakan ang kamay ko, tapos sinabing "critical baby naten"?? gusto ko magwala?? hindi ako makagalaw dahil dalawa dalawa tahi ko, sa tiyan at sa private prt ko?? Pagpasok namin sa room ng mga nanganak naayos na yung Higaan ko, at pag higa ko. Umiiyak ako at pinagdarasal na Lord Ibigay mo saken lht ng sakit, parusahan mo ako sa mga kasalnn ko pero Wag mo pababayaan ang baby namin?? Tinawag yung asawa ko sa nicu. Pagbalik niya umiiyak nanamn?? 50/50 na yung baby namin? lumobo yung ulo sa may bandang utak?? puno ng dugo? niririvive?? Tinubuhan? sobrang daming dugo sa ulo nia, tumatagas na nga daw sa tenga niya yung dugo e sabi ng asawa ko dahil nakita niya? Tinawag ulit yung asawa ko sa nicu, pagbalik Umiiyak?? yung baby namin? yung first baby namin? yung iningatan namin ng 9months, yung araw araw kinakausap ko, yung araw araw kinakantahan ko, habang nasa tiyan ko siya?? yung nagpapasaya samin ng asawa ko?? Pumanaw na? Nsa Heaven na? Angel na?? Sobrang sakit? Hindi ko manlang nahawakn, nakita anak ko????? Hindi ko matanggap, hanggang ngayon masakit padin saken? pinapagaan lang ng asawa ko yung loob ko? Sorry, umiiyak na po akong nagtatype, diko na kya sorry po.?

172 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Condolence po mommy ang sad naman mommy nakakaiyak ung pinagdaanan mo bakit mga ganung klaseng doctora pa nagpaanak sayo parang di sila beterano sa mga inasal nila sayo nakakalungkot pa sobrang naghirap si baby 😥😥 pakatatag lang po mommy may plano po si Lord sa lahat ng pagsubok na dinaranas naten kapag may nawala may darating po 😇😥😥

Magbasa pa

sad to hear ur traumatic experience mommy, bakit nga b meron gnyng mga doctor prng wlng pgpphlga s lives ng mga pasyente nila? dpt umpisa plng alm n nila dpt gwin. Move on mommy, isipin m nlng meron png great blessing n nkhanda c God s nyo, always trust his will and kapit lng. God bless u mommy, mllmpasan m rn lahat ng sadness n yan!

Magbasa pa

Public hospital siguro kaya ganyan trato sayo. Naging dahilan sila bakit nawala baby mo tsaka unprofessional sila. Mga gago. Sa susunod mo a baby sana natuto ka na. Mag private ka na lang. Pag ipunan niyo... may charity cases naman po mga private hospital tulad nf UST. May semi private sila. At least maalagaan ka pag private.

Magbasa pa

Condolence sis.. nakakaiyak po ngyri sayo at ke baby hays grabe naman mga nagpaanak sayo parang walang paki basta magpaanak lang.. kung nacs ka po agad baka ndi nagkaganun c baby.. c lord na bahala magparusa sakanila.. ang iyong anak ay isa ng anghel na magbabantay sainyo mula sa itaas.. kaya mo yan sis pray kalang po..

Magbasa pa

Ganyan talaga ang ibang mga doctors, nurses at midwives sa public hospital. Pinapagalitan ka na parang di tao, di marunong umunawa. Naturing nasa medical, pero dyan sa nangyari sa inyo ng baby mo parang nawala ang pagkapropesyonal nila. Nakakalungkot momsh, pero pakatatag kayo ng mister mo. Prayers for you momsh!😭

Magbasa pa
VIP Member

Be strong momsh, npakasakit ng ngyari syo. But there's a reason bket hndi cia bngay syo ni Lord, be strong, mraming sna pro hndi nten alam bket halos mlapit mo n hawakan pro hndi pdn bngay syo. Kasalanan ng ospital un n npuntahan mo. Haay, u a have a little angel n guiding u and watching u. Be strong.🥺🥺🥺

Magbasa pa

Mo"M nakakaiyak nmn kwento mo.. Habang nag babasa ako tumolo ding luha ko.. Mag pakatatag ka mo"m masaya na baby angel m kasama niya c papa god.. Sana mka ruos ding ako... Matatakot ding kc ako frist time mama ding ako.. Pray lng sayo ky papa god siya lng kaka alm sa lahat... God bless po sa inyo.. Mo"m

Magbasa pa

Hindi ba may malpractice n naganap dito? Dun palang sa sinabi mo Ng i.cs ka dapat ginora na kagad. It's a client demand so why did they prolonged your agony? Nakakainis. Pray for healing and take care of yourself. Pag ok ka na, try mo I.weigh ung nangyari. Someone should pay the price.

Kasalanan ng mga doctor ito naging pabaya sila sis. Kung sana una palang cs na agad. Sa kadahilanang mahirap lumabas si baby. Gawa ng vaccum at pagsipit ke baby kaya nagkaganon. Ang sakit isipin ng sinapit nyo ni baby. Godbless baby and mommy. Happy na little angel mo sa heaven sis

Condolence mommy. 😢 ang sakit sa puso habang binabasa ko. di ko maimagine yung sakit na nararamdaman ng mga nanay na namamatayan ng anak. Sana wala ng maka experience ng ganto. kaya mo yan mamsh. babalik uli si baby mo sayo sa tamang panahon. Hugs to you mamsh