Vent Out

Hello po. Gusto ko lang i-share tong nararamdaman ko. Sobra kasi akong naiinis sa asawa ko kasi hindi siya nagtitira para sa sarili niya. Nagkwento siya na short na daw siya sa budget niya para sa work samantalang kagabi nagkwento siya na pinamili niya daw mga pamangkin niya ng mga pagkain sa 7/11. Hindi ko po alam yun. So ako sabi ko, bakit pa niya pinamili kung alam niyang masho-short na siya eh ang dami pa naman ng mga pamangkin niya na yun nasa 10. Masama loob ko ngayon kasi lagi na lang ganun, ayaw ko rin naman siyang nag-iisip kung paano siya makakakain, tsaka bihira lang kami magkita since weekends lang siya nasa bahay namin dahil sa manila pa siya nagwowork tapos pag wala siya, nandito ako sa bahay ng parents ko. Preggy po ako. Nabibigay niya naman yung needs ko kaso ayaw ko lang ng ganun yung nangyayari sa amin na wala na siyang pera eh 2 days na nga lang kami magkita. Hindi po mabarkada asawa ko at tapos na din siya sa phase ng kalokohan. Nangangamba po ako para sa anak ko eh baka kasi ganun pa rin sitwasyon kahit manganak na ako na may kahati kami. I have questions po: 1. Dapat po ba ako na yung humawak ng pera niya? Hanggat maaari po kasi ayaw ko siyang pakialaman sa kinikita niya eh kaso gusto ko lang din ma-secure yung anak ko in the future kasi ayaw kong pagdating sa amin eh wala na siyang pera. 2. Tama pa po ba ginagawa niya na siya pa nagpapakain at nagbibigay ng baon sa mga pamangkin niya? Samantalang buhay pa magulang ng mga yun, anak lang ng anak. 3. Kung kayo po nasa sitwasyon ko, anong gagawin niyo po? Nagiging madamot po ba ako sa side ng family niya? Pasensya na po mahaba tong post ko. Gusto ko lang ng opinyon at suggestion niyo. Thank you po.

33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis wala naman akong nakikitang masama dun baka malapet lang talaga sya sa mga pamangkin nya. And besides kung ganun sya sa mga pamangkin nya for sure magiging mabuting tatay sya sa anak nyo. Dont give grudge sa mga kapatid baka yan pa pagsimulan ng away nyo.

TapFluencer

Hi Sis,kausapin mo xia na mali ung ganun kase mgkaka-baby na kau dapt nag-iipit na kau para sa panganganak mo.And me parents pa nmn pla mga pamngkin nia mali ung lahat xia mg-shoulder,ikaw na lng humawak ng pera nia para mas ma-budget mo ng maaus.

Importante po na malaman ni mister ang nararamdaman mo. Syempre may pamilya na siya dapat kayo na po ang number 1 priority niya. Pero kailangan mo din po intindihin bakit yun ginagawa ni mister. Mabuti na po ang nagkakaintindihan.

Ganyan din Mister ko. Sobra kasing mapagbigay sa kapwa. Minsan nakakabwisit na pero lagi ko siyang pinapaalalahanan lalo na ngayong may pandemic and magkakababy kami. Tapos sa barkada niya pa nagbibigay. Pang inom lang naman.

dapat ikaw humawak ng pera sis kasi ikaw asawa e. ang pera niya pera mo yun πŸ˜‚ at dapat alam niya na ang priorities niya at kayo yun 😊😊 ganiyan din asawa ko kaya ngayon ako na nahawak ng pera niya πŸ˜‚πŸ˜‚

Mapagbigay rin partner ko sa mga pamangkin nya, kahit sa mga ibang bata pero inuuna nya kami ng magiging baby namin. Kusa rin syang nag aabot ng pera saakin ever since nalaman naming buntis ako.

I feel you sis yung kay hubby nman skanya hinihingi ang diaper pati baon ng pamangkin nya plus sya pa nagpapakain sa batugan nyang kapatid pati ngbibigay ng pamasahe sa kuya nya

Dapat yung mga ganitong bagay pinag-uusapan nyo po. Isa ito sa mga discussions sa pre-marriage counseling eh. Mag-usap po kayo ng maayos.

VIP Member

Sa tingin ko namn walang masama sa pagbibigay pero dapat my limitations din , lalo na at magkakababy na kayo ng partner mo .

VIP Member

Kausapin mo sya mommy. Sabihin mo kung ano yun opinion mo about dun. Dapat may access ka din sa pera nya.