nasa nicu ang baby

hello po ftm po ako, kakapanganak lang po and ung baby ko nasa nicu pang 4th day na po, mas nauna po ako makauwi cs po ako, may same experience po ba dito na ang sabi nahihirapan daw huminga si baby? kahapon bago kami umuwi ang sabi samin ng pedia nya medyo umokay okay naman na daw oxygen nya ay 60 na, please po nag aalala po ako huhuhu gusto ko na sya makasama☹️☹️☹️ nacs po ako kasi big baby sya 4kl. thank u po

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

it depends ano ang reason kung bakit nahihirapan huminga ang baby. ano tawag sa sakit nia. kung may fluid sa lungs, respiratory distress, may pneumonia, may problema sa puso or iba pa. normally, ine-explain ng doctor yan. hanggat hindi ok ang oxygen level ni baby, hindi sia madidischarge sa hospital. ang oxygen level na 60 ay mababa pa. pero its good kung may improvement. pero kung breathing ay 60, nasa upper normal. kasi kung mas mataas dun ay may respiratory distress. sincere prayers for healing of your baby. always pray.

Magbasa pa
2w ago

and ayun nga po, ang sabi nung una nakainom daw po sya ng fluid sa tiyan po, and will be running test daw like laboratory po and pagtapos naman po nyan wala napo sinabi ung doctor kung may infection or ano po.