FIRST TIME MOM!!

Hello po. Ftm here, im currently 8 months. Sa private clinic kasi ako nagpapacheck up eh netong nakaraan lang sinabi ung presyo na aabutin kapag nanganak sa kanila. So, plano sana namin na mag public na lang. Ask ko lang if pupwede pa ako magoacheck up sa center para marefer ako sa public? Worried and stress na po ako baka di tanggapin sa public kapag dumating ung araw na manganganak na. Wala po kasi ako idea sa ganto dahil bukod sa first time ko eh taga probinsya po talaga ako. Thank you sa sasagot po!

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa private clinic din ako manganganak doctor sa private hospital yung ob ko sya din magpapaanak sakin 30k pag walang philhealth pero pag may philhealth 20k lang. Kahit may pera naman naisip ko na try ko sa public magpacheck up para magkarecord kaso natakot ako sa kwento ni ate nung nanganak sya sa public kasi super daming tao tas pahirapan ang pila sa pagcheck up tas pinapaanak sya may kasabay pa syang isa tas isang doctor lang nagaasikaso. Nung nanganak na sya dalawa sila sa isang bed. Kaya no choice kesa mastress ako sa lying in nalang ako at sabi din ng asawa ko yung ob ko alam na talaga lahat ng records ko. Kagandahan din don monthly ultrasound not sure anong tawag sa ultrasound na ginagawa nya sakin pero kitang kita yung muka ng baby ko as in ang linaw kaya dun din ako natutuwa napapaliwanag nya ng maayos sakin yung condition ni baby🥰

Magbasa pa

Ako momhs sa private hospital talaga ako nagpapacheck up before, doon talaga ang OB ko. Kaso mahal nga kapag nanganak doon tsaka kapag sa hospital kasi minsan diba palagi nilang sinasabi na puno sila. Lumipat ako sa lying in kasi may malapit naman doon sa amin, lalakarin lang. Mas mura pa at may contact sila sa hospital in case na hindi ko kaya manganak doon sa kanila. At least doon sure na may tatanggap sa akin na hospital if ever. Tinanong lang ako if may record daw ba ako sa iba, meaning kung nagpacheck up ba ako sa hospital before. Kasi need daw iyon lalo na't first baby itong ipapanganak ko.

Magbasa pa

mamsh asikasuhin mo na kagad ako din po galing sa private clinic din lipat sa public alamin mo na kung anong mga requirements sa hospital sa min po kasi need ng referral ng center then ung mga lab test and ultrasound mo especially ung first and last ultrasound mo awa ng dyos nakailang balik ako may record na ko sa ospital second check up ko na next next week

Magbasa pa
2y ago

https://fabella.doh.gov.ph/transparency/about-us/programs-and-innovative-projects/9-news-and-events/169-notice-opd-schedule check nyo po sa website nila better tawag po kayo para alam nyo mga requirements

pacheck ka na po sa public hospital dalhin mo po lahat ng laboratory mo. ako po sa private nagpapacheck up nung una lipat ako public dala ko lahat laboratory ko, yung iba po ipinaulit oa din kasi need daw dun naipagawa pag dun manganganak

mag pa sked kana agad sa public hospitals hanggang may oras kapa kasi yung iba antagal mag bigay ng sched, kahit 1 lang check up mo keri nayon pwede kana nila tanggapin anytime

Hi Mhie ask ko lang mga magkano prenesyo syo ng OB mo sa Lying In. Kse Lying in din sana ako kso sabi bawal daw pag FTM un daw advice ng DOH

2y ago

Mura na ung 28k mamsh kung private hospital haha sa ob ko need mag ready around 100-200k 100-150 for normal 150-200 for cs daw magkano lang ibabawas ni philhealth ni wala aa half kaya lipat sa public ospital pag may philhealth possible pa na libre lahat wag lang ma cs usually gamit naman ang bibilhin mo

diretcho kana pacheck up sa public hospital hanggang manganak ka mi. kasi need mo din record at ob sa ospital.

Itry mo na habang di mo pa kabuwanan kasi sa public kalimitan di talaga sila natanggap pag walang check up sa kanila

2y ago

thank you po.

kelan edd mo mamsh ?

2y ago

May 1-15 pwede na po ako manganak.