Puro nalang ML si Mister

Hello po, first time mom po ako. Gusto ko lang sana humingi ng advise or makuha opinyon nyo sa sitwasyon ko. Since nakilala ko po yung lip ko, gamer na talaga sya. Infact sa isang gaming app kami nagkakilala. Simula po nabuntis ako at inuwi nya ako sa kanila, tahimik na po akong umiiyak sa gabi dahil minsan madaling araw nya na ako uwian dahil sa kakalaro nila ng barkada nya ng ml. Kahit po kasi nakatira kami kasama magulang nya, iba pa din na anjan sya anytime kailangan ko. May time pa na sumama nako sakanya para lang mapilitan sya umuwi ng maaga pero ang nangyari, alas os ng madaling araw na kami nakauwi. 6months preggy ako nun, di nako nakapaghapunan at inom ng vitamins. Worst, after a week muntik na ako makunan. November 2019 yan nangyari, at ito pa, January the following year luluwas sya ng Cainta kasama barkada iniwan ako sa bahay. Sa sobrang sama ng loob ko nun grabe ang iyak ko to the point na namimilipit na din ako sa sakit ng tiyan ko. Ang sakit sakit po isipin na ganun. Nakakaya nya akong iwan sa kabila ng sitwasyon ko. Bilang lip nya, never din ako nakakahawak ng sahod nya. Since my work pako nun di ako nagrereklamo kasi nahihiya po ako magdemand. Lahat ng check ups, meds and baby needs ako bumili. One time nanghingi ako sakanya 500 para pandagdag. Ever since iisa ang isa ng away namin. Yung wala na syang time samin ng anak nya dahil pag uwi from work bihis lang sya lalabas bibili ng alak, tapos tuloy tuloy na ang laro. Pag di tawaging kakain wala paki. Pag aantayin ko sya magugutom ako. Ngayon po, pakiramdam ko pagod na pagod na ako. Yung tipong halos ayaw ko na sya makita. Nasasaktan lang po kasi ako. Pag kasi nagrereklamo ako sakanya sasabihin nya yun nalang libangan nya ipagbabawal ko pa. Di ko pinagbabawal, yung sakin lang balance sana. Eh halos di na po.kami nakakapag usap. Kaya po gustong gusto ko na makipaghiwalay kahit ayaw nya. Nagsabi nako sa mama nya. Uuwi na na kami ng anak ko sa pamilya ko. Yung mama pa nya nakiusap sakin na bigyan sya ng last chance. Sya di ako kinakausap. Avoiding the topic ganun... Minsan po talaga, darating tayo sa point na mapapagod at susuko nalang. Swerte ako sa inlaws ko kasi mababait sila. Pero diko na talaga kaya. Minsan naghahanap na po ako ng ibang pwedeng makausap. Kasi ang sakit sakit yung pakiramdam na binabalewala.

18 Replies

kung ganyan LIP ko, iiwan ko yan, 🤣 di naman sa nagmamaldita pero pamilyadong tao na sia so tama n ang laro, kung gusto nia libangan, edi kayo maglaro 🤭😉 okaya si baby asikasuhin nia, oks ako s inlaws kaso d naman sila LIP mo, ung anak nila. so responsibility ng anak nila na asikasuhin kayo mag ina, d bale sana kung streamer sia at nagkakapera dun, understandable un.

Gamer din asawa ko ng ML. Pero responsible Sya samin(6months preg ako) may work Sya 7am-5pm dretso Uwi Sya para mag luto hapunan.After eat bago na sya mag lalaro pero Dto lang sa bhay.. Kya hinahyaan ko lang Sya kesa Kung Saan2 pa Sya mkkarating.. Wla nman prob sa Pag lalaro dpat ilugar lang at ilagay sa tamang oras.Baka mapag usapan nyo pa po.

Khit kmi man d kmi kasal pero d cya gnyan sakin.. cmula kc nlman ko n buntis ako pinagstop n nya ko mgwork cya nlng nag pprovide lhat ng needs ko. Kung gnyan rin lng gngwa sayo mtuto kna bgyan mo cya ng leksyon at kmi din prehas kming gamer pero d nging reason yun pra mwalan cya ng time sakin llao at first baby nya toh.

Give him some lesson! Iwan mo siya to test if kaya niyang baguhin yung naka-gawian niya pero kung mas pipiliin parin niya yang gaming kaysa sainyo na mag-ina, haynako sis mag-isip kana! di kayo mapapakain ng paglalaro.

Minsan alam mo na kung ano ang nararapat pero hindi mo lang magawa. Do what is right for both of you. Hindi mo naman asawa yan, lip lang. Iwan mo na habang maaga pa, walang nakakapanghinayang sa ganong tao.

sis...di na po libangan ang tawag sa ginagawa niya...addiction na po yun...if wala kang nakikitang changes sa kanya...at eversince ikaw naman nagastos para sa baby ninyo...better leave him na lang...

We all deserve the best kaya kung ako ikaw hiniwalayan ko na yan bilang di rin naman deserve ng anak nyo ang ganyang treatment. Napaka iresponsable, i cannot!

VIP Member

Sana po ay nakahanap kayo ng maayos na solusyon isipin mo ang iyong baby

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles