Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Dreaming of becoming a parent
Puro nalang ML si Mister
Hello po, first time mom po ako. Gusto ko lang sana humingi ng advise or makuha opinyon nyo sa sitwasyon ko. Since nakilala ko po yung lip ko, gamer na talaga sya. Infact sa isang gaming app kami nagkakilala. Simula po nabuntis ako at inuwi nya ako sa kanila, tahimik na po akong umiiyak sa gabi dahil minsan madaling araw nya na ako uwian dahil sa kakalaro nila ng barkada nya ng ml. Kahit po kasi nakatira kami kasama magulang nya, iba pa din na anjan sya anytime kailangan ko. May time pa na sumama nako sakanya para lang mapilitan sya umuwi ng maaga pero ang nangyari, alas os ng madaling araw na kami nakauwi. 6months preggy ako nun, di nako nakapaghapunan at inom ng vitamins. Worst, after a week muntik na ako makunan. November 2019 yan nangyari, at ito pa, January the following year luluwas sya ng Cainta kasama barkada iniwan ako sa bahay. Sa sobrang sama ng loob ko nun grabe ang iyak ko to the point na namimilipit na din ako sa sakit ng tiyan ko. Ang sakit sakit po isipin na ganun. Nakakaya nya akong iwan sa kabila ng sitwasyon ko. Bilang lip nya, never din ako nakakahawak ng sahod nya. Since my work pako nun di ako nagrereklamo kasi nahihiya po ako magdemand. Lahat ng check ups, meds and baby needs ako bumili. One time nanghingi ako sakanya 500 para pandagdag. Ever since iisa ang isa ng away namin. Yung wala na syang time samin ng anak nya dahil pag uwi from work bihis lang sya lalabas bibili ng alak, tapos tuloy tuloy na ang laro. Pag di tawaging kakain wala paki. Pag aantayin ko sya magugutom ako. Ngayon po, pakiramdam ko pagod na pagod na ako. Yung tipong halos ayaw ko na sya makita. Nasasaktan lang po kasi ako. Pag kasi nagrereklamo ako sakanya sasabihin nya yun nalang libangan nya ipagbabawal ko pa. Di ko pinagbabawal, yung sakin lang balance sana. Eh halos di na po.kami nakakapag usap. Kaya po gustong gusto ko na makipaghiwalay kahit ayaw nya. Nagsabi nako sa mama nya. Uuwi na na kami ng anak ko sa pamilya ko. Yung mama pa nya nakiusap sakin na bigyan sya ng last chance. Sya di ako kinakausap. Avoiding the topic ganun... Minsan po talaga, darating tayo sa point na mapapagod at susuko nalang. Swerte ako sa inlaws ko kasi mababait sila. Pero diko na talaga kaya. Minsan naghahanap na po ako ng ibang pwedeng makausap. Kasi ang sakit sakit yung pakiramdam na binabalewala.
Sakit sa Likod
Mga momsh, May naka experience na din ba sa inyo na after manganak, sumakit likod? CS po ako, nanganak ako last Feb 2020. Naramdaman ko yung sakit sa likod ko a month after. As in nakakaiyak sa sakit. Mas matindi yung sakit ngayon. Natural lang ba ito? Pakiramdam ko kasi parang makukuba na ako. Madalas din ako magchill sa sobrang lamig.
Looking for Online Resellers
Hello momsh! Kagaya ba kita na need magfull time mom kay baby pero kapos sa budget? Start online selling now. Mas maraming time kana kay baby kumikita ka pa. Our products are proven and tested effective! You may visit my FB Page for inquiries.
Backpain
Hello mga momsh. Nanganak ako last Feb 19 via CS. Bukas mag 3 months palang pero grabe yung pain na nararamdaman ko sa likod specifically sa spinal ko. Kapag karga ko si baby tapos matagal na nakatayo, kandong ko sya na walang sandalan at lying while bf. Kapag din matagal na nasteady ako sa isang position hirap akong kumilos para magpalit ng pwesto. Early effect po ba ito ng anesthesia? Sino nakaka experience ng ganito din?
Formula Feeding
Hello mamsh.. Happy Mother's Day sa ating lahat. Ask ko lang po, yung baby ko kasi naka mix feed ako. Formula tsaka sakin sya nadede. Pero mga 3 days na ayaw na nya dumede sa bote, gusto nya sakin nalang pero umiiyak sya kasi kapos lagi yung milk ko.
Vitamin E
Pwede po ba magtake ng myra e kapag nagpapabreast feed?
Sipon at Ubo
Bawal daw uminom ng malamig kapag nagbreast feed kay baby dahil magkakasipon or ubo sya? May nabasa akong article na wala naman daw effect kay baby yun. Pero bawal daw sabi ng mother inlaw ko..
CS - pwede na ba kumain ng kanin and other solid food?
Hello mommies! Four days na po since nanganak ako via CS. Nakauwi na din kami sa bahay nung Feb 21. Pwede na ba ako kumain ng kanin and other solid food? Sino po same case dito? Di pa kasi ako talaga kumain ng kanin. Sabaw and othee soft na tinapay lang.. potato and sayote ganun. Kaya siguro konti parin yung gatas ko. Pa-help please..
SSS Maternity Benefit
Okay lang ba if twice nakapagsend ng maternity notification? Yung una kasi na due based sa LMP then yung second based na sa ultrasound. Online filing lang po.
Meron ba dito na may step son or step daughter?
How do you handle your step son/step daughter? May step son ako, napakasutil yung tipong lahat ng gusto nya nasusunod. Ayoko naman masyadong pakialaman kasi baka magkaroon ng issue sa mga inlaws ko. To the point na makita ko lang sya naiirita n talaga ako. Sabi ng asawa ko disiplinahin ko daw. Kaya lang feeling ko I don't have the right since kasama namin sa bahay mga in-laws ko and pinagbibigyan nila yung bata lagi. Minsan gusti ko na umalis dito sa bahay dahil iritang irita ako sa tuwing nagpapasaway or my gusto sya na di agad mapagbigyan. Idadaan nya lang sa iyak at pagdadabog. 9 years old lang sya pero ang tigas tigas ng ulo at palasagot. I am 6 months pregnant and I don't think na kasama pa din ng pagbubuntis ko yung iritasyon ko sa bata?