Complete bed rest until 36th week

Hello po fellow moms, first time posting here. Share ko lang case ko. Around 18 weeks nung first time kong ma notice na may spotting ng blood and nararamdaman ko din na mabigat ang pakiramdam sa pwerta so nag take lang ako ng isoxilan which is nireseta sakin ng doctor and advised me to take it kapag feeling rereglahin. Naulit uli na magka spotting a couple of times until nung nagpaultrasound ako nung 20th week ko and inask ko yung dr about it. Ang sabi nya any type of bleeding daw po no matter how konti is not normal so she advised me to consult to my OB. Upon teleconsulting with my OB, inadvise nya kaagad ako na mag bed rest for 2 weeks and binigyan ako antibiotics. I did bed rest naman kaso gumawa parin ako ng gawaing bahay like magluto and magtupi ng damit. After a week may nag re appear na spotting so i consulted again with my OB and this time she advised me to do COMPLETE bed rest. As in yung bawal na umupo or tumayo. Must by laying flat at all times pati pag poo,pee, and bathe. From this point forward puro teleconsult nalang daw muna with the OB for the prenatal check ups. Sa 36th week pa daw ako pwede tumayo. 3 weeks na akong complete bed rest ngayon and nagstop naman na yung bleeding. Nag sspot lang kapag napapaupo minsan para kumain or other stuff. Pero so far okay naman na. Bumili nalang kami ng fetal doppler sa shopee para atleast macheck parin ang heartbeat ni baby para bawas isipin at stress. I'm currently 24weeks so bale may 12weeks pa akong naka bed rest 😅 Gusto ko lang ishare kasi baka may same moms din na ganito situation. Hanap lang ng karamay 😅 #Bedrest #spotting

25 Replies

FTM - 13 weeks nag Vaginal bleeding ako kasi Placenta Previa position ng placenta ko. Natagtag sa work nag Bleeding. Naconfine ng 2 days. inadvice ng OB na mag Complete Bed rest pero di kaya mag bed pan kaya nasa tabi ko lang ang arinola. Pag nag poop at ligo sa CR parin. 3 weeks din bago nag stop ang bleeding ko kaso after nun ilang days na confine nmn ako dahil sa UTI at Amoeba. Dahil ata sa pabalik balik sa CR nung nag diarrhea nagka spotting ulit 😔. Kaya eto Bedrest parin until manganak na. Nifediphine at heragest naman gamot ko. High risk pregnancy din kya pili lang din ang food na tinatake. Now mag 18 weeks na. Malayo pa pero kakayanin para maging safe si baby. Nag Leave Sa work na din simuna nung nag bleeding . Kaya natin yan mommies. Always pray at kausapin si Baby.

mi..bedrest rin ako since 7 weeks nag spoting subchronic hemorrage then ..last 14 weeks na confine ako for 7 days dahil ng preterm labor ..buti nalan naaagapan c baby..low laying placenta at short cervix ako..7 days complete bedrest at ngaun pwede na mag cr..bawal maglakad at tumayo ng matagal.. ..pwede na umupo..sa 24 weeks mag papa ultrasound ako if na long cervix na ko.meron din ako gestational diabetes..insulin dependent kaya hindi ako spoiled buntis na kahit anu pwede kumain..minsan nakakainggit ung mga low risk preggy ...kaya naten ito mi..pray lan tau lage..isoxilan..hegest at dupahaston ung mga gamot ko..bawal na din ako sa gawaing bahay..tiiis tiis lan mi.. 18 weeks palan ako ngaun..

Kapit lang mommy. 🤗 First pregnancy ko ay twins, as in sobrang smooth at umabot kami ng 37 weeks na walang iniinom kundi vitamins. Healthy kaming tatlo. Etong 2nd pregnancy ko, 7th week meron akong minimal subchorionic hemorrhage. Pero wala akong ininom dahil mawawala din naman daw. Kabado kami mag asawa at nag bed rest ako. Lagi ko kinakausap si baby na kapit lang. Hehe. Kinakantahan ko siya kasabay ng twins ko. 28 weeks na kami and super likot nya. Lalo kapag kinakausap ko. 😁😁 Pray lang tayo lagi. Kakapit ang baby natin 👏🏻

Ako din po nadiagnosed na may complete placenta previa at my 10 weeks. Inadvice ni OB na magbed rest for 2 weeks and nagtake din ako duphaston 3x a day for 7 days. Awa ng Diyos after ko maubos pampakapit ko nawala na bigat at pagkirot kirot ng puson ko. Until now 15 weeks na ako nakabed rest pa rin ako. Tumatayo lang ako para maglakad pag nagpapaaraw sa umaga 40mins. Nag spotting din ako nung 10 weeks ko at dun ko nalaman na placenta previa ako. Still praying kame na safe si baby hanggang sa paglabas nya in God's will.

Ako nkabedrest since 8th week, ngayon 34weeks nako. Mtgas dn ulo ko kht snbi na bedrest dhil sa mga series of spotting,bumbangon pa dn ako. Palakad ng banyo at araw araw naliligo. Pagdating ng 19weeks nadiagnosed ako ng incompetent cervix and nacervical cerclage. Since then bedrest nako, bumili ng commode pagwiwi, poop cr tapos 2x a week maligo. Dedma na kung di nliligo araw araw. Kkht pagkakain, iinom ng gamot nkahiga lng ako, ulo lang inaangat ko. Lesson learned: pagsnbing bedrest bedrest. No buts no ifs.

tama po. makinig sa bilin ni OB, para din po yan sa inyo ni baby.

Nagspotting din ako on my 25thweeks, until 31weeks. Ito rin na gamot binigay sakin ng OB pero pabalik2 parin spotting ko kaya binigyan ako ng Duphaston until 35weeks. Hindi ako pinagbedrest ng OB pero ako na mismo nagrestrict sa mga activities ko. I also use maternity belt malaking tulong to sakin. every ultrasound OK nman si baby, wala nman problem. 2months na po baby ko ngayon 😊 3AM nagstart labor ko nanganak ako ng 9AM, no complications. Pray and rest momshie. Eat healthy.

hello.. nagspotting din ako nung 16th week ko.. sbe ng OB, short cervix.. yan din ang reseta sa akin isoxilan, then heragest. bedrest for 1week, no work khit nka work from home. then no more long distance travels hanggang manganak.. di n ko ngspotting ulit cmula nag heragest.. next week p ulit ang check up, dun pa mlalaman kung tuloy ang bedrest.. totoo nga noh, it somehow feels comforting na malaman n may same situation. kaya ntin to lahat momsh. God bless us all. 🙏

Monitor mo lang lagi si bebe mi, ako nga almost 5months ako nag spotting at marami din nagsasabi na di normal pero so far okay naman si bebe , so i conclude na dala lang ng pagbubuntis ko pero naging maingat parin ako, huminto lang pagdudugo nung naging establish na si bebe .. feeling ko yung pagdudugo ko nun is part ng lumalaki na si bebe at nag aadjust si bebe… di ako doctor ha, pero base lang ako sa experience ko, now, nasa 37weeks at 4days na ako..

Ako mi walang spotting, pero dahil first baby namin ni Hubby nag bedrest ako kasi sabi ni OB mababa na daw si baby for 27weeks, and panay tigas din ng tiyan, nag preterm labor na. Ito ngayon 29weeks na di pa din nakilos sa gawaing bahay natayo lang kapag wiwi at poop and si hubby na nag papaligo sakin kapag wfh sya.. Ganito kami gang ma fullterm si baby. yan din pala iniinom kong gamot kapag ramdam ko panay tigas ni baby. Kaya natin to moms! 💪

maya maya po tigas ng tummy ko mi.

TapFluencer

i'm currently at my 24th week sis nu nagspot aq last week at need na tahiin cervix q kc bumuka. yung 38mm naging 24mm nlng magpipreterm labor pag d naagapan. ngayon complete bedrest for 2 weeks pra gumaling tahi, grabeh hirap kumain, maligo ng nakahiga tas 5 days hirap aq dumumi. kung sakali pd tumayo aftr 2 weeks d q iririsk mahirap na, pra sure safe c baby. turning 25 n q dis coming week, kaya ntin to sis para kay baby.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles