gallstones daw
Hello po, check up ko lang po kanina and tinanong ako ng doctor kung kamusta ako, ang sabi ko medyo di ako ok nung 35 weeks upto 37 weeks. At first kasi sumakit yung upper abdominal ko and at 36 weeks yung left side naman and hanggang 37 weeks ko kasama na din sumakit ang likod ko. Pero now na 37weeks and 2 days na ako hindi na masakit. Ang sabi sakin mag pa-full abdominal ultrasound daw ako baka daw may bato ako sa apdo kaya sumasakit. Pag-uwi ko sinabi ko sa mother ko, ang sabi naman niya normal lang daw na sumakit kasi buntis ako. Sa mga nakaranas din po ng ganto? Ano sabi ng mga OB niyo? Wala po kasi akong private OB and public lang po ako. Hindi ko din po alam kung magpapaultrasound pa ako kasi baka next week po pwede na ako manganak since 1cm na ako as of today. Next week pa naman din po hinihingi yung ultrasound.
Mum of twins toddlers and a newborn