312 Replies
If madali lang para sa pamilya nyo kumita ulit ng ganyan kalaking halaga GO ahead... Pero sana maisip nyo pa rin na hindi sa lahat ng oras stable ang swerte at naka ayon ang panahon sa takbo ng life ntn.. Mas better pa rin na mag start kang magsulat ng mga possible target guest mo kung ilan cla, ng maiwasan mo ang gate crashers... Ang pagiging practikal sa panahon ngayon ay wala na sa kung magkano ang kaya mong gastusin para sa isang event.. What if cge gumastos ka ng 200k to 400k sa event eh biglang bumagyo tapos ung guests mo konti lang nakapunta eh di lugi ka pa... Or sabhn natin na pumunta ung mga gustong pumunta paano if ung ilan sa kakilala mo nag imbita ng iaang buong barangay na d mo kakilala... The best is count your expected guests, make RSVP para walang gate crashers, ung mga giveaways nyo hnd lahat ng members sa isang family bbgyan.. Sa isang family isa lang ang bgyan nyo.. Then saka nyo i compute ung decorations if magkano magagastos nyo, emcee nyo hanap kayo sa angkan nyo cno magaling.. Then meals nyo if hotel kayo may mga set meals yan.. Ang best events hnd yan sa anong ganda ng decorations, nasa sarap ng pagkain yan.. Kaya kht hnd bongga ung decors nyo kung masarap naman ung food eh un ang maappreciate ng tao.. makinegotiate din kayo hingi kayo ng discount kaht pa kaya nyo magbayad ng 1million.. Dahil ang pagiging praktikal mas pipiliin pa rin ung tingin nila na makakatipid at mura pa rin sila.. #justsaying pero nasa inyo pa rin yung final decision.. Godbless 😁
E kung ganun naman pala at bat pa kayo nag tatanong dito wala lang pala s inyo yung ganyan halaga kayo nalang ng asawa mo mag usap wag kana mag tanong dito kasi parang ang dating eh nag yayabang kapa sa mga hindi kaya ang ganyang gastusin. Hindi nyo rin pla papakinggan ang sasabihin ng iba. Wag kana mag tanong dito mapalad ka at may ganyan kang asawa wala kanag poproblemahin sa ano mang gastusin . Dito kasi sa apps karamihan praktikal kung mag isip yung kayang pagkasyahin ang pera namin. Baka kasi ayaw mapahiya ng asawa mo sa mga bisita nyo at lalo na galing abroad pa. Yung amo ko mayamn din pero praktikal mag isip. may sikat na lechunan sa cebua at sa sydney australia at anak ng general. Pero mag isip ang galing kahit may mga bisita pa silang mayayaman at mga kilalang tao di sila bonggahan kung mag handa. Sa bahay lang nila at nag papancater nalang dahil me lechunan naman sila madali na ang lechon saknila. Di nya sinunod ang gusto ng nanay nya na sa solaire nalang ganapin or sa okada resort kasi malaki daw ang gagastusin sabi ni mam tess wala daw problema sa gastos sya daw bahala, matigas ulo ng amo ko ayaw nya kaya ang venue sa bahay nalang ginanap. Kahit may bisita pa sila na dating presidente na si president ramos. Ganun ang praktikal na sinasabi mo sis kahit kaya nyo o mayaman pa. Hindi lahat ng mayaman gusto gumastos ng malaki para sa party
Mommy, napaka blessed naman ng family mo. You can spend 200-400K for a binyag? Wow. Pede ka na makabili ng lupa or makapagpatayo ng bahay (yes, maliit lang) sa province eh. Kaso namention mo pala you have a looooot of investments at pati future ng anak mo may educ plan na ata. Anyway, I got married 2 years ago, medyo DIY kmi sa design but I can say na para kaming may event planner and organizer and designer sa kinalabasan ng set up ng kasal namin ni hubby. We wanted to have a very intimate wedding and plannes to have guests upto 150 lang sana, pero ayun ung ininvite namin may ininvite din so naging 250-300 ang guests. Pero momsh, we spent only 120K all in, venue, food for 300 pax, dessert table, appetizers, sounds, souvenirs, tela ng nga abay, gowns and suit namin ng hubby ko. The key? Kumuha ng reliable na suppliers na cheap pero quality ang service. What I mean is, yung kasal nga namin na I cn confidently say na maganda eh 120K lang nagastos so nakakalula talaga yang budget mo momsh for binyag. Pero if mapapsaya ka naman nyan at sabi mo nga may means naman eh kiber na, dyan ka masaya eh. Tho medyo nakakaataas kilay din naman kasi ung budget mo hehe
Alam mo kung bakit? CAPSLOCK NATIN PARA INTENSE.. MAGPOPOST KA KASI NG BAGAY NA DAPAT WITHIN THE FAMILY MEMBERS NALANG ANG DISKUSYON, NATURAL SHINARE MO DTO SO EXPECT MO DIN DAPAT IBA'T IBANG OPINION NG MGA USERS NA MAKAKABASA... MANG HIHINGI KA NG SAGOT SA TANONG NA DAPAT KAYO LANG NAKAKA ALAM NG PAMILYA MO TAPOS PAG MAY DI KA NAGUSTUHAN NA SAGOT BUTT HURT KA? LOLS! KAHIT PA SECURED YUNG PANG KOLEHIYO NG ANAK MO EH KUNG ISA SA INYO NG ASAWA MO MAGKASAKIT MAY NAITABI BA KAYO? MARAMI DYAN MAYAYAMAN PERO PAG TINAMAAN NG SAKIT MAGPAPA GO FUND ME DAHIL SA WALA SILANG NAITABI PARA SA MEDICAL NEEDS NILA... 2019 na alam mo naman ang #FILIPINOTOXICCULTURE di na bago yan.. may sang ayon na sagot, may hindi sang ayon na sagot.. Na stress ka tuloy.. Next time even though you all have the means or whatsoever better discuss it privately within the family members lalo na my money involve kasi mamsh #sensitivity post din naman sa mga users na hindi kasing level ng means meron kayo kasi ramdam namin ang hirap kumita ng pera... basta ba kapag dumating ang araw na mabankrupt pamilya nyo wag ko lang kayo mapanood sa wowowin umiiyak kay kuya willie... 😂 CHERENG!!!
Kasi momsh, yung first statement mo contradicts your stand/claim. Sabi mo bakit ganun un ibang users dito nagyayabang na agad kahit may means kayo. Para kasing its the other way around po, parang ang dating po kasi talaga nagyayabang po kayo kasi nga you have the means. Some or most might nisunderstand you mommy. Madaming mommy dito who seek advice whether to deliver their babies sa lying in or public hospital so they could pay less. Madami din dito na di rin makapag pa check up every month at sa center lang nagpapaalaga to avail the free services because they dont have the means like you do. Imagine these people reading your post about stretching your budget upto 400K? Contradicting din po kasi na sinabi nyo na you can even stretch your budget upto 400K then biglang sasabihin nyo di sya practical, considering 200K and stretching to 400K eh di talaga practical, I meam why even mention. Lahat tayo, we want what's best for our child mommy pero ingat lng din po tayo kung pano natin sabihin. :) Hope you understand din ung nafeel ng nakabasa sa post mo :)
Oo na, sige na, practical na yan te... Ang yaman ng asawa mo, rich kid asawa mo, bongga asawa mo. E asawa mo pala gagastos e. Never ka pa naghawak ng pera para magranong ka pa? Bakit first time mo ba gumastos ng ganyan kalaki kaya binibigyan mo kami ng amount na kayang gastusin ng ASAWA mo? Ano namang connect ng canada sa budget nyo? Ate magkaiba kasi humihingi ng advise at nagyayabang, pamilya pala ng asawa mo mayaman e, hindi ikaw.. Jusko, ang daming mayaman dito na pera nila mismo ginagastos nila pero bakit hindi naman nila pinagyabang te? Hingin ko nga pangalan mo sa fb pastalk lang, baka sakali ngang totoo sinasabi mo na mayaman ka...yo ng asawa mo. Isinali na kita ha, tutal gusto mo matawag na mayaman ayaw mo lang magself proclaim kaya pinopost mo pa. Te kasi pag mayaman ka, tao na sa paligid mo makakaalam nun hindi mo kailangan ipagyabang din sa ibang tao na wala namang pakealam sayo. We have the means daw, pwe. Your husband have the means, you don't. Self proclaimed mayaman.
Kung ganyan po kadami nasa 300 pax e ok naman po ung budget na 200k lalo kung may pa souvenirs pa kayo.. depende na din kung saan at gaano kabongga ang paggaganapan.. kung kaya nyo naman magcanvas depende sa oras nyo e i think mas malelessen pa ung gastos jan na lang kayo maging praktikal hanap kayo ng reception na bawing bawi ang gastos.. depende na din yan sa plano nyong mag asawa and kung gaano kayo kawais pagdating sa pera.. iba iba kasi mentality ng tao mayaman man o mahirap.. si bill gates nga ordinary lang ang relo basta daw makita nya tamang oras 😊 hndi lhat pinanganak na may silver spoon sa mesa kaya accept na lang na malulula ung iba sa ganyang halaga. sa mata ng ordinaryong pamilya sayang nga talaga ung pera kung aabutin pa ng 400k hnding hndi talaga praktikal kht 200k 😊 pero since first birthday yan at binyag lalo at sa pananalita e mapera naman kayo ihataw nyo na kung san kayo magiging kontento at masaya 😂
Mommy kung nayayabangan sayo yung ibang nagcocomment siguro kasi di mo sila ganun ka blessed na may limpak limpak na salapi 😁 Tulad ko. Sobrang kapos na kapos kami. Kaya kung ang katulad ko ang tatanungin mo syempre mapapa grabe naman yan magbibinyag lang aylt bday gagastos ng ganyan kalaki. Samantalang ako 1000 pesos lang hirap na hirap na akong magkaron. Pero kung ako ay katulad mo na may maraming pera ang masasabi ko lang sayo sis. Kulang pa yan! Kung 300 pax ang bisita mo at bongang bonggang handaan ang gusto ni mister. Dagdagan nyo ang budget mo. Siguro minimum 500k ganun kasi para naman kay baby yan eh. Pero sabi mo nga ikaw mismo tingin mo parang hindi praktikal. Edi kausapin mo si sir. Pag di pumayag. Go lang ng go. At madami naman kayong datung! Di kawalan sainyo yan. Maliit na bagay. Pero ayun na nga dahil ako ay isang kapos palad. Napakalaki nyan sa tingin ng isang katulad ko. 😊
tapusin nyo na yang walang kwentang thread na yan.. ngkakasakitan lang kayo sa mga opinions and suggestions nyo na ayaw tanggapin ng bawat isa dto.. walang tama wlang mali. its just a matter of accepting thoughts of other people. Sayo na nagsseek ng advice, kung ano opinion o masabi ng mga nagcomment dto tanggapin mo. Binigyan mo sila ng right manghimasok sa dapat sana decision nyo ng asawa mo. Di mo makokontrol anuman ssbhn nila sa post mo. masktan ka man o matuwa ka man sa sagot nila. Sa mga sumasagot naman isa lang ang tanong praktikal ba o hindi..di nyo need mag away away para lng idefend ung sgot nyo. hindi to paligsahan at hindi din nagpost ung nagtanong para idown nyo ang isa't isa like inggit ka ksi, or magwork hard ka. The question is simply answerable by yes or no. bahala na ung nagtanong kung ano ssundin nya, kung may napulot ba sya sa mga sagot nyo.
Simple lang: You are not asking for an advise kasi nasagot mo na sarili mong tanong. You just wrote more than three paragraphs detailing na may means kayo mag asawa. If you sincerely want to share your woes, no need to go detail by detail especially with your finances. Personally, I don't care. It's your money and bahala kayo sa buhay nyo kung pano niyo yan gagastusin. But just a reminder, hindi lahat ng members ng app na 'to ay kasing privileged kagaya mo. If kaya mo magpaparty ng bongga, go ahead. No need to detail na you have investments and you have the means. Maging sensitive tayo sa platform na pinagpopost-an natin. Be aware of the message you are sending to everyone. If you are gaining a lot of negative comments, you are sending the wrong message then.
Anonymous