Practical?

Note: bakit ganun ibang users dito? Nagyayabang na agad porket we have the means ? invest na lang daw pero ang dami na namin investments and insurance for baby until college. Si hubby po may gusto kasi uuwi rin relatives nya from Canada ... Binyag and birthday naman po! Mga 300 pax. Gusto ko kasi sabihin sa hubby ko na wag masyado mahal pero ayaw nya.. Bakit daw Hello po, binyag po ng baby ko budget ni mister 200k or more. Parang gusto niya isabay sa first bday ni baby. Nabasa ko kasi na pinag tatawanan ang budget na 300k which is possible po na buong binyag andun na. Simabahan pa lang po sa may south, naka 50k na estimate po andun na rin mga props. Sa event mismo, sa hotel/clubhouse po medyo pricy. Tas catering ang food. Pumapatak 200k pataas budget. Tas birthday goodies din... Practical ba? Update : yes po may means naman po kami Mommies. Di ganun kalaki ang 200k for us. We can even have a budget na 400k.. Pero I feel kasi na hindi practical in some way

312 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kami nga 40k ang nailabas namin ni hubby nung binyag ni baby nalalakihan na kmi and super dami na din nmin naihanda nun. What for na need magpakain ng 300pax? Mapapasanaoil na lang ako sa ganito budget. 😂😅 Ganon ba kadami ung relatives niyo ppunta both side and sure ba lahat un ppunta kasi kung hindi sayang and not practical at the same way para ka na nagpakasal sa ganon klase budget better ilaan na un for future ni baby and emergency fund niyo ni hubby, pwede nman magpabinyag ng hindi over ang ginagastos kasi di nman lahat ng pupunta yan e matatandaan ni baby at gagabay kay baby in the near future. Invite those people will help grow your baby as an individual, ang importante mabinyagan ng maayos ang bata. Pero kung mapilit si hubby sa ganyan budget congrats hahaha. Paambunan nman ng shanghai mamsh. 😂😂😂

Magbasa pa

Wow. 200k - 400k na pampabinyag? Napaka liit naman nyan momsh. Pambaby shower ko lang ganyan e. Hahaha! Pamunas nga ng puwet sa cr namin, libo imbes na tissue. Dami rin namin investment. Subdivision nyo nga ako may ari e. Hahaha.Lakihan mo naman pambinyag momsh. Gawin mo na lang 5 million. Hahaha. Teka alis muna kami ha. Chikahan tayo mamaya. Andyan na kasi yung private plane namin, punta kami Paris magkakape muna tapos dinner date namin sa Japan after namin magkape sa Paris. Uwi din kami mamaya. Family time muna. Hahahahahaha. Papabili rin kasi ako gold necklace sa Saudi, tinapon ko na kasi mga alahas ko sis last month pa kasi yun ang luma na. 😂😂 Ikaw ano gusto mo pasalubong?

Magbasa pa
5y ago

Hahahaha panis! Asan na si anon? Sana magcomment sya d2 naungusan sya🤣

What exactly do you want po mommy? Advice po ba what to do with the money or insights lang? First of po, some mommies who don't have that much money wouldn't find it "practical" and would rather invest it to secure the future of their children. With different life status, "practical" becomes a subjective term. Others from this group will find it HUMBLE BRAGGING (yung di pinapahalata na nagmamayabang, simpleng mayabang ganun) whilst others will think na wala lang, keri lang kasi mayaman din sila. If the decision was already made by your husband po, kahit ano sabihin ng iba wala ng magagawa. The best thing to do is to talk to your husband, if you don't find it practical to spend 200k, why would you allot another 200k to spend , diba po? It's your money. So it's all your say :)

Magbasa pa

Ang weird lang. You can afford naman pero pinoproblema mo kung praktikal ba o hindi. But at the same time you are telling us na hindi papayag yung hubby mo na hindi gumastos ng malaki. And jinujustify mo rin na binyag at bday naman yung icecelebrate. So what's your point po ba tlaga bakit ka nagpost? Kasi gusto mo lang ata marinig na "go lang afford niyo naman". Hindi mo po need ng permission ng members dto kung gusto niyo gumastos ng malaki. Nasa inyo po yun. Pera niyo naman. And afford niyo naman. Or trip mo lang i-inform kami na gagastos kayo ng malaki? Kasi i saw the comments may mga nagsasabi nga na hindi praktikal, gamitin nalang sa ibang bagay. They have the right to say that since nagpost ka dto mag expect ka dapat ng mga comments na against sa paniniwala mo. Wag ka magtampo 😂

Magbasa pa

Many of here might misunderstood your post Magkakaiba po kasi ng "mind setting" ang mga tao, specially pagdating sa financial. Lalo na kung maliit ang "psychological wallet" ANd i know po Momshy, mas naiintindihan mo na you should ignore lang po yung mga negative or sarcastic comments from here. My Personal opinion po sa concern mo Sis is ask Guidance from above, ikaw nadin po nagsabi na mas practical since 2 occasions na ang ipagsasabay. Sa mga gantong occasions po always remember what you want for your family to be remember, not your Visitors memories or just to please it. I REMEMBer seeing facebook founder Mark Zuckerberg billionaires baby shower, not even 20 visitors where there to celebrate it. So just be yourself & congratulations for the upcoming event GOD Bless

Magbasa pa

Opo practikal yan. Maliit pa po yan. Kulang pa po yang gastos niyo. Lakihan mo pa po. Yung kakilala ko sa manila hotel ginanap ang binyag ng baby niya. Binyag palang yun ah, wala pa yung bday. Milyon ang ginastos nila. Tapos nung nagbuntis at nanganak siya nasa 1.7M ginastos nila, nagpasurrogate kasi siya. Pero alam mo kung ano ang nakakatuwa sa kanilang mag-asawa? Kapag tinanong mo sila about sa budget panay tanggi nila. Hindi nila sinasabi kung magkano talaga gastos nila. Paano nalaman kung magkano lahat ng nagastos? Sa mga kamag-anak nila na tumulong mag-ayos nh events nila. Pero kapag tinanong mo sila mag-asawa panay tanggi nila. Napaka-humble nila mag-asawa. Ganun ang tunay na mayaman at tunay na may MEANS na sinasabi mo.

Magbasa pa

200k? For most of the moms here, practical ung simple lang. Families and closest friends lang ang invited since gusto namin maging practical. Konting handa or simple dinner na hindi aabot ng masmalaki pa sa allotted budget namin sa ganyang event. Kung may budget kayo na ganyan, then go but do not expect na lahat ng mommies dito ay kasing swerte mo at may magsasabi sayo na "yes, maliit na yan compare sa nagastos namin etc." Dahil wala. And ung mom na nagtatanong kung kasya na ang 5k sa pabinyag is nagaask sya ng advise na makakatulong sa kanya at hindi malayo sa realidad ng budget nya. Then you and the other mom, not sure kung isa lang kayo, ibbrag nyo ung nagastos or budget nyo na 200k at 300k -1M. Sobrang natulungan nyo si mommy na 5k. 😑

Magbasa pa
5y ago

They have the means, sis hahahahaha sakit sa ulo ni ate 🤦🏼‍♀️

Sa totoo lang feeling ko mahirap to dati tapos yumaman kaya ganyan. Ang totoong mayaman hindi nagsasabi kung magkano nagastos nila or ano ang mga nainvest nila. Mapapansin mo nalang or mababalitaan sa iba. Di kc nila need magshow off sa iba coz they feel secured. Galing din ako sa mayaman na angkan, as in mayaman talaga na puro business something, hindi yung yumaman lang dahil kumayod sa abroad or something and kada party namin puro politicians ang nandon. Mas simple pa nga ang totoong mayaman, sila pa yung mas down to earth sa totoo lang. Kaya nainis ang mga nanay dito para kasing pampam yung post. Hindi sila nayayabangan pero naiirita sila which is nakakairita naman talaga ang ganyang tao pabebe haha

Magbasa pa
5y ago

sa totoo lang siya na yung sumagot sa mga tanong niya e 😅

Would do you expect? One of the traits ng isang pilipino is pagiging masinop esp sa pera maam. Now tell you, once you put the price on the table hindi malabong may magreact ng nega kasi alam mo hindi lahat parepareho ng estado sa buhay. I know hindo sadyang makapanakit ng tao but your hurting someone's eyes. We all know 300k is not a just, may mga kumakapit pa sa utang para lang mabayaran ang mga bills sa hospital. They will imagine if meron sila perang ganyan mas madami pang mapupuntahan. Dapat hindi mo n pinost yan dito kung ang purpose mo lang isa magyabang. PS. I have a lot of friends na may kaya sa buhay but still theh look for alternatives to avoid too much expenses.

Magbasa pa

Well sa akin Naman po walang masama Kung gusto Niya gumastos Ng ganun kalaki since kayo kayo din Naman Ang magbebenefits lahat niyan. Kung may budget siya na 200k edi maganda para maging mas memorable and special na din yon para sa anak niyo. Baka ayaw Niya Lang talaga tipidin si baby. Atsaka lahat Naman Tayo we want the best for baby. Kalma Lang mga inay. Ang pera kikitain din Yan. Pero ung pagkakataon na maibibigay mo sa baby mo at sa family niyo na maipagcelebrate si baby Ng birthday at binyag once in a lifetime Lang Yun. Just be happy and enjoy para sa anak niyo. Di mahalaga Kung magkano Yan. Ang mahalaga magbonding kayo bilang pamilya.

Magbasa pa