sama ng loob

Hi po. no bash po sana. gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. meron po ba kayong partner na mas uunahin pa yung cellphone kesa sayo? tapos pag may nararamdaman ka ang tagal ka bago lapitan. then pag nilapitan ka, maya maya aalis na, nasa cellphone nanaman yung atensyon. tapos kapag napag sabihan mo na walang naririnig kapag nag cellphone. siya pa magagalit na parang ako pa mali na sasabihin wala kang alam. masama pakiramdam eh kapag nag cellphone walang nararamdam na sakit. gusto pag siya may nararamdaman asikaso agad pero kapag ako na buntis lalo na maselan, walang pakealam. ang sakit lang ng sobra kapag umiiyak ako sa sobrang sama mg loob. yung bata nalang iniisip ko eh. bigla bigla sasakit tyan ko na parang sasabog sa tigas. mas ma pride pa siya kesa sakin pero di niya alam mga ginagawa niya. gusto niya inaasikaso siya sasandukan pa siya. ipaghahanda. ni mas mahalaga pa barkada kesa samin kahit noon pa. any advice po sana sa situation. ang dami pa pong mas grabe jan. hindi lang siya ganyan pinaparamdam sakin, pati family niya . ?

sama ng loob
26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang sa akin ang ganyang gawain ng isang asawa ay napaka immature.so para hindi ka mastress hayaan muna lang siya.alagaan mo na lng yung bby mo lumbas ka o kaya kausapin mo mga friendz mo,magmuni2 ka ganun.. Tas pag nangalabit siya sayu wag mo pansinin sabihan mo na magsama sila ng celphone nya.marerealize din nya yang ginagawa nya.. 😊🤗

Magbasa pa
VIP Member

Ganyan din husband ko, laging hawak ang phone. Hinahayaan ko nalang kesa ma stress kami ni baby sa kanya, nararamdaman nya naman pag naiinis na ko sa kaka-cp nya kaya sya din mismo titigil. Pero minsan lag di ko na matiis sinasabihan ko na din sya. Mas okay pa din na may communication kayo para aware sya na di ka okay sa ginagawa nya.

Magbasa pa

Ang dami na red flags mommy ibg sbhin nun wla cia pakialam sayo.. Sorry pero un ung totoo kung pati family niya ganun sayo better uwi ka nlng sa inyo kesa nmn gnyan gawin sayo.. Think wisely for you and your baby.. Ngayon plng gngyan na gngawa niya syo pano pag tumagal pa and mka encounter kayo bigger problem paano na?

Magbasa pa

mag usap kayo ng maayus sa lalong madaling panahon, lalo makakasama sa baby kasi c baby naapektuhan kapag stress ka, kawawa nmn. kung gusto mo sa magulang mo muna ikaw, i relax mo ang isip mo momsh, maiisip k nyan kapag wala ka sa tabi nya.

VIP Member

Kausapin mu po hubby mu,, umpisahn mu sa mhinahon n pananalita, or kung kya mu lambingin mu, tapos sabihn mu saloobin mu in a nice way parin,, tapos pakinggn mu dn sa2bihin nya sau after.. lahat nmn yan nadadaan sa maayos n usapan..

Ganyan din papa ng ipinagbubuntis ko sis. Not until napagod ako hiniwalayan ko sya umuwi ako samin. At dun lang natauhan ang gago hanggang ngayon pumupunta dito sa bahay diko pinapansin. Turuang ng leksyon kumbaga

same situation.. sobrang addict siya sa cabal..kahit day off niya laro parin inaatupag. HAHAY HINAhayaan ko nalang..may isip narin siya..sa isip isip ko iwan ko lanf kunf matulungab ka nyang laro mo kung magkasakit ka

Ganyan partner ko pag umaga, cp agad hawak. Di man lang makapag timpla ng kape niya. Kapag naman uutusan mo saglit laging "mamaya" "wait lang". Hanggang sa ikaw na gumawa hindi pa din siya lumalapit.

Oh yes!! Pati family nya mas inuuna compare smen ng baby nya tapos may reklamo na pagod na pagod na daw pala sya sb nya sa mga kapatid nya akya pinalayas ko kahit napaka selan ko mag buntis..

Sa tingin ko lang ha... d k nya talaga mahal or hindi ka importante sa kanya. Magsikap ka pagkatapos mo manganak. Pag marami ka pera magiging mabango ka sa mata nya at sa pamilya nya.