Gender expectation

hello po, baka lng po may nakaexperience din and all. Gusto ko lng po mgvent out at maadvisan. Thankful nmn po ako at ok nmn po ang CAS ni baby, though medyo disappointed lng ako kasi expected po nmin ay Girl. alam ko po na mali ung feeling na to. Feeling ko lng po kasi ay last pregnancy ko n rin po to since 37 nko at maselan po ako kaya gsto ko po tlaga n Girl na sana. feeling ko po ay kasalanan ko nnmn bat hnd ko mbgyan ng Girl si hubby. Karamihan din po ay ineexpect na Girl na pero boy pala. bukod sa negative reaction ng iba, ako po mismo kasi ay dismayado. nlungkot po tlaga ko. feeling ko lagi nlng akong wlanh choice. alam ko po na mali rin na mgtampo kay Lord. gsto ko lng po mgng honest sa nrrmdmn ko. feeling ko po ay hindi Nya narinig prayers ko. hindi ko po maiwasan na mgng bitter at hnd mkontento. feeling ko po ung simpleng pangarap ko lagi nlng binibigay sa iba. hnd ko po maiwasan mgkompara at alam ko nmn po na mali eto. ung hipag ko na ubos ng sama ng ugali, sknya lagi ang blessings. pero ako lagi nlng prng latak. pkrmdam ko po ay wla akong silbi. alam ko po na mali eto. npaka ungrateful, uncontented, bitter at puno ng inggit ang puso ko ngayon. hnd ko po madxplain ung nrrmdman ko πŸ˜­πŸ’”πŸ₯Ή#Needadvice #AskingAsAMom

39 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi, Mommy. Una sa lahat, gusto kong sabihin na valid ang nararamdaman mo. Hindi ka nag-iisa sa ganitong emosyon. Marami sa atin ang dumaan sa ganitong phase, lalo na kapag may strong expectations o pinangarap talaga natin na isang particular na gender ang baby. Ang mahalaga ay aware ka na hindi mo gustong maramdaman ito at nagsusumikap kang lampasan ito. Ibig sabihin, mahal na mahal mo ang anak mo hindi dahil sa gender niya, kundi dahil anak mo siya. Ang gender ay hindi sukatan ng blessings. Hindi ito kapalit ng kabutihan mo bilang tao o nanay. Ang anak mo ay hindi "latak," kundi isang buong biyaya na may sarili niyang purpose sa buhay niyo. Hindi ka nagkulang. Hindi mo kasalanan ang kung anong gender ng baby. At lalong hindi ito kabawasan ng pagmamahal mo kay hubby o ng pagmamahal ni Lord sa 'yo. Iba-iba tayo ng journey. β€˜Yung mga nakikita mong "mas blessed," baka may ibang pinagdadaanan din sila. Wag mo i-kumpara ang chapter mo sa chapter ng iba. May panahon para maghilom. Hindi mo kailangang pilitin agad ang sarili mo na maging ok. Pero habang dumadaan ka sa prosesong ito, alalahanin mo lahat ng nararamdaman mo ngayon ay maaaring magbago habang lumalaki ang anak mo, at mas makikilala mo siya hindi dahil sa gender niya, kundi dahil sa kung sino siya bilang tao. Kung kailangan mo ng kausap, humingi ka ng support. Minsan nakakatulong lang talaga na may makikinig, kagaya ng ginagawa mo ngayon.

Magbasa pa
Related Articles