Ask lang po
Hi po. Ask lang po may chance po bako mabuntis kung nadikit lang sa akin ung Ari nya. Pero hindi naipasok pero still confused po ako Dahil hindi pako nadadatnan. 2 days delayed napo ako. Wala pong nangyari samin nadikit lang talaga. Halos mamatay matay napo ako kakaisip kung buntis ba o ako hindi.

i felt like you are still young girl. may chance ka po mabuntis kung yung sperm nya e nailabas near sa butas mo lalung mahirap madetect kung pre-cum nya clear na basa lang ang lumabas mas hindi mo madedetect. nagsswim ang sperm. kung ayaw mo po mabuntis wag mo na uulitin ang mga ganitong gawain. isang pagkakamali mo lang e tapos ang mga pangarap mo. kung di ka pa ready wag mo isuko ang bataan mo. maawa ka sa mga taong nagpapaaral sayo o bumubuhay sayo. unahin mo na mag aral at magtapos. kapag may maganda ka work at di ka na humihingi ng pera sa mga magulang mo e saka ka maglandi. yung asawa ko bf ko na since 16yrs old ako pero inisip ko mga parents ko. ayaw ko sila i-fail nung makatapos at makapasa na sa board exam di pa din ako nagasawa kase gusto ko may stable na kame kita at di na kame aasa sa mga magulang namin para magkaron ng kasal na pinapangarap namin. masarap sa pakiramdam na maachieve mo muna ang mga goals in life mo bago ka maglandi. kung mahal ka ng bf mo irerespeto ka nya at ang desisyon mo na wala muna mangyari. mag bf ka para gawin sya inspirasyon sa buhay. wag magpadala sa init ng katawan. God bless sayo.
Magbasa pa