Civil Marriage

Hello po. Ask ko lang po, pwede po ba magpakasal ng civil kahit walang consent ng parents ko? 28 na ako and magkakababy na, pero ayaw pa nila na magpakasal kami ng boyfriend ko. Ang hirap pag toxic ang magulang. Hindi ko nilalahat pero ang reason nila dahil ayaw nila kase di ko pa daw napapaabot ng 6 digits ang sahod ko. Ang unfair lang para sa partner ko. Stable naman ang business niya. Kaya akonf suportahan. Kami ng pinagbubuntis ko. Ang hirap kapag parents mo mismo nagdedegrade sayo. Nakatulong na ako sakanila pati sa mga ate ko. Lalo na sa mga pamangkin ko. Ang hirap hirap po. Naaawa ako sa partner kong gustong gusto na ako pakasalan. To tell you po a short story regarding sa parents ko, yung mama ko po lulong sa sugal, yung papa ko may other family. Basta sobrang toxic. Naaalala lang nila ko itext or ichat pag kelangan nila ng pera.

30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Magstand ka kung ano yung sa tingin mo tama na makakapagpasaya sayo. Pwede ka pa rin naman tumulong sa kanila kahit mag asawa ka na. Saka hindi totoo yun, na obligasyon na buhayin sila forever. Part ng pagtanaw ng utang na loob ang pagtulong sa kanila, pero not to the extent na wala ka ng buhay sa sarili mo at gatasan na lang tingin sayo. Anlagay, hanggat di ka mayaman, di ka mag aasawa? Paano kung hindi fumating sa buhay mo yung 6 digits na sahod, edi mabuburo ka na lang? Pagpray mo magbago takbo ng isip nila. Hindi ka naman nag aalis ng respeto sa magulang nang dahil lang gusto mo na magpamilya.

Magbasa pa

No need na po ang parents consent, nasa tamang edad na po kayo kailangan niyo lang po ng may witness. I suggest po, importante ang mag pakasal para lalo kayo ibless ni Lord. Isa pa po, hindi naman habang buhay makakasama mo ang parents mo sa pag buo ng pamilya. Tanging kayong dalawa lang ang partner mo ang mag tutulungan hanggang sa huli. Kaya everytime na nahihirapan ka mag disisyon o natotoxic sa mga taong nasa palagid mo, lagi ka lang mag pray at kausapin si God siya ang pinaka best na makakatulong sayo/sainyo ng Partner mo. God bless! 😊

Magbasa pa

Sis pakasal ka na. Baka ayaw ka ipakasal dahil mawawala sakanila focus mo, mawawalan sila ng matatakbuhan nila pag need ng pera. Baka mag ala Sarah G ka nyan, ipalipat assets kay mommy Divine. Kidding aside, nasa tamang edad ka na and if you really want to settle down, you're free to do so. Mas masaya ka pa and iwas stress bec you're finally doing things under your own terms. Once you're married, ang obligasyon mo is nasa sarili mo nang pamilya at wala sakanila.

Magbasa pa

Mahalaga ang blessing ng magulang sa pagpapakasal pero sa case mo. Kung ako nasa sitwasyon mo mas pipiliin kong magpakasl kahit hindi sila payag kasi may blessing din sa kasal lalo na at magkakababy na kayo. Hindi lang kayo ni partner ang mabless sa kasal nyo kundi pati si baby. Go na moshie pwedi na kayong magpakasal kahit isang ninang at isang ninong lang pwedi na. Di na kailangan nag consent ng parent pag 28 up.

Magbasa pa
5y ago

Thank you mamsh. 🤗

Pwede po need niyo lang ng 2 witness/sponsor pwede kaibigan or kakilala ir ka age niyo. Pero kuha po mona kayo ng cenomar sa NSO saka birthcertificate tapos file kayo ng marriage certification sa city hall, magundergo din kayo ng seminar niyan pag makuha niyo na ung marriage certification Permit saka palang po kayo pupunta sa Judge kung saan niyo gusto magpakasal magpapasched po kayo.

Magbasa pa

Wala naman silang magagawa kung magpaksal ka. Isa pa atleast di ka nag kulang ng supporta sknila baka time na, na para sa sarili mo at pamilya mo naman. Nasa tamang edad kana e ano ngayon kung magalit sila nasa tamang edad kana para sa mga bagay na gnyan💕 pakasal na kayo🥰🥰

You are old enough to decide for your self. Kung masama silang magulang at alam yan ng madaming tao sa inyo, maiintindihan ka nila. Di ka nila pwede pigilan dahil legal age ka na. Kaya niyo yan sis, pagsubok lang din yan. Laban lang para sa future family mo. Karapatan mo din sumaya.

5y ago

Since stable naman si partner mo, mataas ang chance na di ka na sa inyo titira once na kasal na kayo. Deserve mong sumaya sis. Deserve mo magkapamilya of your own 😊

Okey na yan my na walang parent's consent..nasa tamang edad na naman kayo,. Ang consent ay para sa minors lang, isa yan sa requirements for precana...kami nang partner ko both 28 yo. Di na need nag consent...isa pa meron nang negosyo ang boyfriend moh..😊😊

5y ago

Welcome my..Congrats in advance😊

Ou pwde na kami nga dapat papakasal na 26 aq at sya 30 ...nag provide lang kmi isang ninang at ninong...sa munisipyo kasi namin pirmahan nalang kasi dahil sa covid tpus ok na

VIP Member

Pwede na po bsta lagpas na ng 25yo hhnapan ka nlang ng cenomar pareho kau ng partner mu.. un nlang requirements sa pagpapakasal d na kelngan ng pirma ng mgulang...