Brownish Discharge

Hello po, ask ko lang po if normal lang po ba may brownish/yellowish discharge po na lumabas saken nung naubo po ako? Ngayon lang naman po nangyari, 25 weeks pregnant po. Naglilikot padin naman po baby ko sa tyan ko.

Brownish Discharge
12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

punta po kayo sa ob nyo agad, ganyan po nangyari sakin at 26 weeks, tas nag preterm labor po ako. Sadly 3 days lng naka survive si baby kasi dipa fully developed ang lungs nya

My punta kana ob ASAP, kasi pwede na may funneling na cervix mo magtutuloy tuloy sa labor yan.. Ganyan nangyari sa akin sa first pregnancy ko, at 20 weeks incompetent cervix.

punta ka na po sa ob, ganyan dn ako , sa ultrasound may subchorionic hemorrhage na pla. pag d mo inagapan dugo na po lalabas jan

2mo ago

ayon nga po nangyari 🥺 thank you po

Mucus plug nayan sis pa check up kana agad sa OB mo ksi maaga pa 25weeks ka plng or inform mo agad sya pra Alam nya

anything that has blood.. Any amount is already concerning.. consult agad si OB.

Thank you po sa inyong lahat. Dito na po ako sa ER now, 4 cm na daw po 🥺

2mo ago

Hello po, thank you po sa concern ninyong lahat. Nailabas ko po yung baby ko kaninang 1 am po. Unfortunately hindi po sya tumagal since hindi pa daw po fully developed lungs nya. Nawalan po sya ng heartbeat kaninang 7 am. 😭 Salamat po sa mga advised and pangungumusta po ninyo. Ia-uninstall ko na po itong app, ang sakit sa puso kapag nakikita ko mga update about kay baby, wala naman na yung rason ng patingin ko ng app. Mag iingat po kayong lahat and nawa'y maging safe and on time po ang deliveries nyo mga mommies. ❤️ Thank you po. 🥺

Hindi sya normal punta kakaagad sa ob mo

inform your OB

sign of preterm labor. consult OB po

parang blood po. better have it checked

Related Articles