Kelan po ba dapat ang 1st ultrasound ultrasound ng buntis ?

Hello po ask ko lang po 1st time ko po kasi na magbuntis nag positive na po ako sa PT pero sabi po sa health center after 4 months pa daw po malalaman kung may heartbeat daw po tama po ba yun ? Kasi sa friend ko po ay nagpa ultrasound sya 6 weeks pero po meron na baby magkaiba po pinagpacheck upan po namin thanks po sa lahat God Bless

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

oa ng health center nyo sis😂 sabi nga as soon as nalaman mo na buntis ka dat mag pa check up na agad sa ob, then ung ob para ma check ka at mabigyan ng vitamins, 4months second tri. na un ah, eh 1st tri nga yung importante kasi ung development ni baby saka mga vit na need for development,. kung 4months pa pano kung wala pala sa lugar ung baby, etc etc. edi na pahamak pa ang mag ina. 😅 minsan talaga inis ka inis ang center eh,lalo dito samin kaka pisti, papa vaccine lang ako ng anti tetanus arte pa, kung di ko pa susungitan at sasagutin di pa ko bibigyan😂 eh me ano naman ako na bigay ng ob ko.

Magbasa pa
3y ago

8weeks be pra sure na me heartbeat na, ung iba kasi late, pero ako 6weeks me heartbeat na eh,. saka mas maaga ma check ng ob mas maganda, lalo ung mga erregular ung period para ma track agad kung kelan ung edd. kasi pag late na nag p check up, mahihirapan din ung ob ma ngapa kung kelan talaga edd, ksi medyo malaki na ang baby nun. kaya favor sa mga ob na mas maaga mas maganda, para ung edd, masusundan nila, habang lumalaki kasi ung baby nag iiba ung lumalabas na edd na didipende sa size ng baby,. pag maaga nila nalaman edd mo kahit lumaki man si baby sa age nya ang susundin pa din na edd ung first na ultrasound.