Christening ni baby

Hello po, ano po kaya tamang gawin di kasi pwedeng binyagan si baby ko kasi di pa daw kami kasal nang partner ko then 2nd child na po huhuhu catholic po kami.. wala pa po kasi kaming ipon for the church wedding 😥 di rin daw pwede kung sa mayor lang mag papakasal

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sa ibang simbahan nalang po kayo mag pabinyag. baka dyan lang po sa specific na church Nayan Hindi nag bbinyag pag di kasal Ang parents. usually po pag mag papaschedule Ang parents for binyag, nag aask Yung simabahan staff Kung kasal na ba or Hindi pa Ang parents. Kung Hindi pa, nagreremind lang po sila Ng importance ng kasal po. pero Yung gànyan na no binyag if parents is Hindi kasal. hanap nalang po kayo ibang church

Magbasa pa

may ganon po tlga mi na simbahan e... noon sa catholic school ako ng aaral..di ako mkakag communion if di ksal sa mismo simbahan parents ko although sa huwes kasal naman sila..napilitan sila mgpakasal sa simbahan para makpag first communion ako non.

kakapabinyag ko lang po sa anak ko hindi po kami kasal ng papa niya sa Catholic church din namin siya pinabinyagan okay lang naman po hindi nga po sila nagtanong kung kasal kami. try niyo po muna mag tanong sa ibang mga Catholic church

Bakit daw po di pwede sa mayor po? Pwede nyo ipagsabay yung wedding nyo and binyag di naman po need na bongga basta presentable lang kayo okay na. Sa renewal of vows na lang po kayo bumawi 😊

2y ago

Baka dyan lang po sa simbahan na yun try nyo po sa ibang church.

ganun ba yun .. wala nman po ata ganun may nabibinyagan po na baby na hindi kasal ang mag asawa .. kahit nga wala patner sa buhay pwde padin binyagan ang bata, sino nman nag sabi yan ..kakagigil ha!

may ganun po talagang simbahan, na experience din yan ng friend ko, pang 3rd baby na nya. Huwes sila kasal, ayaw sila tanggapin nung simbahan. hanap na lang po kayo ng ibang mapagbibinyagan.

VIP Member

ay grabe naman po yan mi tatlo na anak ko and civil wedding kmi ng asawa ko pero nabinyagan ko n ung mga anak ko. etong third child ko this month papabinyagan ko na since mag 5mos n sya.

hanap ka ng ibang church kasi kmi ni hubby hnd pa kasal nung nanganak ako sa eldest namin, Pwd naman un mahigpit lang yan church na napag tanungan mo.

mami sanang simbahan po? parang wala pa naman ako nababalitaan dito sa lugar namin na di pwede binyagan si baby pag hindi kasal yung parents.

2y ago

oo strikto na

Ay bkit hindi pwede? hindi dn kami married ng LIP ko may 2kids kami wala namang naging prob. sa binyag ng dalawa. tryniyo sa ibang church momsh.