For first time mom

Hello po, ano po ginagawa nyo para gumalaw si baby. Nakakapraning pag ilang araw na syang di gumagalaw

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ilan months na po kayo preggy? Ang ginagawa ko po pag tahimik si baby hinahaplos ko tyan ko o kaya kakain ako malamig or sweets tos hihiga ako aantayin ko kung magkakaron ng movements.. Kung ilan days na yan momsh baka naman po pag tulog ka saka siya gising? Mas maganda pacheck ka sa OB mo kasi dapat maramdaman mo si baby araw2x dapat namomonitor mo din ang kicks niya

Magbasa pa
VIP Member

Bili kq po fetal doppler para hindi kapo mag worry, Ako nga 15 weeks and 2 days palang si baby ko parang panay galaw ng galaw eh parang first time mom ako kasi hindi ko naramdaman st baby ko na ganito mga 5months ko na sya naramdaman pero much better check up kapo☺️

pinapatugtogan ko po,tsaka pinapakausap ko sa daddy nya 😊 ganyan po ako nakaraan 2 days ko sya di naramdaman napapraning na ko,natutulog din po kasi sila minsan.try niyo po humiga left side,sakin nararamdaman ko minsan si baby pag naka higa ako left side.

3y ago

same tayo mommy :) kada uwi ng asawa ko, mas kinakausap nya na tyan ko kaysa sakin tapos ayun, nararamdaman ko na parang may lumalangoy sa loob 😁 napraning din po kasi ako nung di marinig ng OB ko yung hb ni baby dahil 13weeks pa lang ako nun.

Everyday, I make it sure na maramdaman ko si baby. Kapag di siya gumalaw sa normal routine nia, pinapakinggan agad namin heartbeat nia. Alarming kapag ilang araw na hindi mo siya maramdaman. Pacheckup na agad.

try mo mag pa check up dahil di normal na ilang araw ng di gumagalaw si baby 😅 or baka gumagalaw siya dimo lang napapansin kasi medyo busy ka ilang weeks na?

inom po ng cold water yun po sabi ng OB ko if gusto ko syang maramdaman, o kaya higa ka lang po at pakiramdaman mo syang maigi patugtog ka rin sa ibabaw ng tummy mo

kain ka po ng sweets or patugtog ka ng mejo malakas. mas nararamdaman sya pag nakaside lying left side

bumili ako fetal doppler sa shoppee para nachi check ko agad heartbeat niya pag d siya gumagalaw

saakin nga active e 4 months siya nagsimulang gumalaw. 1st time mom here

VIP Member

inom ka ng malamig na tubig momshie pag hnd parin gumalaw magpacheck up ka..