SUPER STRESSED

hi po! ako lang ba dito yung sobrang stress na. daming problema iniisip. lalo na financially ?????. di ko na alam kung saan makakakuha ng bugdet for ultrasound ko next week ???. partner ko lang may work. parang nag sisisi na ako kung bakit ako agad nag resign. pero inisip ko din kasi na masyadong selan ko nagbuntis para na din kay baby. pero ngayon nahihirapan na ako. araw2 na akong umiiyak kasi diko alam kung papano ko tutulungan partner ko sa mga gastosin. gusto komung mag august na agad2 para makapag apply na ako ulit ng work. nahihirapan na ako sobra talaga. diko alam kung saan at papano ako magkakapera ??????????

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi mumsh! Wag ka paka stress, sabi nila if there is no solution, wag ka na pakastress kasi wala ka na magagawa but if meron solution wag ka din pakastress kasi massolusyonan naman pala. Ask ko lang, naasikaso mo na po ba SSS Maternity Benefit mo? Nabanggit niyo na nagresign na kayo, so meaning nahulugan naman pala, if need pa hulugan i-voluntary ninyo na po. Malaking help po kasi un. In my case, share ko lang, just this June, akala namen well prepared na kame sa gagastusin sa scheduled CS ko for our 2nd child, but then may mga complications pa pala at kay baby, na-underestimate namen yung babayaran, parang additional 50% yung naging total namen. Lalo na kasabay pa ng tuition fee ng 1st child namen. Kung wla si sss maternity benefit, mauubusan kame down to zero buti nlang may SSS. Fyi, around 80k din si SSS.

Magbasa pa
5y ago

Yes mumsh. Kasi total of 105 days e tapos addtl pa yung salary difference na mattanggap from the employer 😉

Same mami naiistress na ko ng sobra 😭😭 38w1d na ko pero wala padin kaming pera naasa yung hubby ko sa padala ng mga kapatid niya kasi dapat paalis na siya ng bansa pero di natuloy kasi nabuntis ako. Ako naman kakagraduate ko palang then nakakuha ako ng job na mataas ang sweldo pero dahil kabuwanan ko na nagleave na ko at yung mga naipon ko sa gamit lang nang baby namin. Sobrang naiistress ako although may HMO card naman ako kaso di naman lahat coverage kasi nasa hospital kami bawal kasi 1st baby sa lying in di ko na alam gagawin ko

Magbasa pa
VIP Member

Mommy taga saan po kayo? Kasi sa government hospitals pwede po kayo pumila for free ultrasound. Mejo mahaba yung pila at matagal ang schedule pero mas better na rin kesa wala. Paalaga na rin po kayo duon. Baka mapano lang si baby pag nagpapastress kayo lalo.

Wag kang umiyak, malulungkot si baby. Pag na sstressed ka pati siya damay. Try mo mag online selling, kung wala ka puhunan, try mo magbenta ng mga bagay na hindi mo na ginagamit. And magdasal ka lagi. Lagi mo tatandaan na Gods provide. 😊

Hanap ka ng murang ultrasound. And try to be calm and relax po and always pray po. Kapag stress free ka, wala masyadong problema in that way matutulungan mo si hubby. Mabilis lang yan. Wag mo muna isipin. Mahihirapan ka at si baby.

same lang din tayo cz,c hubby lng ngtatrabaho ilang years aq wlang trabaho pra lng mkabuo kmi..but i always pray n tulungan nlang n God c hubby..unexpcted blessings will come bsta pray lng at tiwala n God will provide..

VIP Member

Naku sis. Nung buntis ako, same kami ni hubby walang work. Tyagaan lang talaga pumila sa mga libre na laboratories. Super selan ko din nun pero kung iisipin mo yung para sa baby mo naman go lang ng go.

ganon talaga buhay. may kanya kanya tayong problema, para sakin mas ok pang mamrobolema kami sa pera kesa naman mamroblema kami about sa sakit. pera lang yan mamsh, health is wealth..

Same tyo sis, Lapit na dn aq manganak pero wla pa dn kmi pera.. Pero thankful aq super sipag parin ng asawa q.. Mg tiwala ka sa asawa mo and ky Lord sis.. Mkakaraos dn tyo.

Hi, try mo po mag work from home. Wag yung mga captcha ha and need referrals. Yung totoong work talaga. Sign up ka sa freelancing platforms like upwork.