First Time

Hi po. 6months napo akong pregnant then sabi ng tita ko wag na daw po akong masyadong uminom ng mga vitamins kasi baka lumaki si baby sa tyan kaya ferrous nalang po pinapainom nya sakin yung calcium at multivitamins pinatigil niya. Pero sabi po sakin ng midwife tuloy tuloy parin daw po dapat ang pag inom. Ano po ba talaga dapat need help. Salamat po

32 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung ano po advice ng OB/midwife yun po sundin niyo. Yung vitamins kasi, supposedly hindi lang para sa baby iyon kundi para sa iyo din, kasi at pregnancy inaabsorb ni Baby yung vitamins/nutrisyon sa katawan natin, at kung di tayo magvivitamins, wala nang matitira sa katawan natin para makafunction tayo ng maayos sa daily life natin.

Magbasa pa
Related Articles