First Time

Hi po. 6months napo akong pregnant then sabi ng tita ko wag na daw po akong masyadong uminom ng mga vitamins kasi baka lumaki si baby sa tyan kaya ferrous nalang po pinapainom nya sakin yung calcium at multivitamins pinatigil niya. Pero sabi po sakin ng midwife tuloy tuloy parin daw po dapat ang pag inom. Ano po ba talaga dapat need help. Salamat po

32 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sa OB mo ikaw makinig sis wag sa tita mo.. para sa development ng baby ung mga binibigay na vitamin. less carbo-rice , sweets para di lumaki ang bata..

Sumunod po layo sa doktor. 6month preggy ako pina diet na ako ng mga kasama ko sa bahay pero nasobrahan naman sa diet kaya ang liit tuloy ni baby.. Tsk

makinig ka sa OB mo sis.. nakakalaki ng bata yung chocolate at softdrinks ... need mo yan vitamins mo na recommended sayo .. kapapanganak ko lang nung may...

Makinig ka po sa OB ilang taon sila nag aral plus experience nila para sa profession nila at kaalaman nila ngayon. Wag po basta maniwala sa sabi sabi.

Super Mum

Continue nyo pa rin po pag inom ng prenatal vitamins, importante po yun sa growth ni baby and para sapat yung nutrients mo sa katawan na nakukuha din ni baby

VIP Member

Tuloy tuloy po ung vitamins po dapat and all. Ang kailangan po natin ay bawasan ang sweets at salty food. Para po makaiwas sa pag laki ni baby sa loob.

Tuloy tuloy lang po. Hndi naman po un ang dahilan kung bakit lumalaki ang baby. Dahil po sa sobrang pagkain ng matatamis at malalamig.

Sis pag kabuwanan mo na dun na possible na ipahinto ng ob mo yung multivitamins mo. Sundin nyo na lang po kung ano advice ng midwife.

need nyo parin po i take lhat ng vitamins...kasi increased po yung nutrient demands ng katawan nyo..since dalaw kayo ni baby ang gumagamit.

Sis need mo po ang mga yan... Hindi naman po mag aadvice si ob o midwife ng hindi makakatulong sa pagbubuntis mo...