masyado pa bang maaga para magpa-ultrasound?

Hello po. 5 weeks na po ang baby ko. Nabasa ko kasi dito na may mga pinapauwi kasi maaga pa masyado para madetect yung heartbeat ni baby, so iniisip ko po kung magpapa-ultrasound na ako o hindi pa. Gusto ko rin kasi makatipid sa gastos. Salamat po sa sasagot!

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Wait ka na lang muna ng 2-3weeks pa para sure na makita na heart activity ni baby (usually 5-8weeks po yan dapat meron na po) pero magandang magpacheck up ka pa rin para lang maresetahan ka na ng mga vitamins at laboratories (cbc, blood typing, urinalysis, hepa, hiv) and ingat na alng po sa mga kinakain at iinumin. Godbless po.

Magbasa pa
2y ago

thank you po, nakapagpacheckup ako at wala pang madedetect na heartbeat. pinababalik pa ako ng 2 weeks. ☹️ pero good thing naman po at nresetahan ng vitamins at nakita ang blood tests & urinalysis.

salamat po sa inyong lahat! pinabalik nga po ako after two weeks, pero nirequire ako ng OB magpa-ultrasound kasi malala sumakit ang puson ko. maselan daw po ang pagbubuntis ko kaya pinagpapahinga ako (bed rest) ng 2 weeks. tapos need magpa transv ulit. ☹️

2y ago

sobrang dalas, actually katatapos ko lang umiyak dahil sa sakit.

TapFluencer

Para sa akin, wait ka muna na mag-7 to 8 weeks. Inom ka muna folic acid. Sa akin kasi napaaga TVS, 5 weeks din ako nun. Ayun, yolk sac pa lang. Pinabalik din ako after 2 weeks para makita kung viable. Nakakakaba yung waiting period na yun.

Yes mi. Ganyan din ako nag pa transv ako 5weeks 2 days. Wala pa heartbeat si baby yolk sac palang nag bayad din ako 650. Dahil nga wala pa heartbeat si baby pinabalik ako after one week. I think better na pumunta kang ob 7to8weeks. 😊

2y ago

oo mi 6weeks 2 days lang nakita na.

8weeks meron na talaga sya hb. mukha syang bean pero may hb na maririnig nun. trust mo lang ob wait ka lang muna ng very slight mamii hihi although nakaka excite yan hehehehe

May chance na makita mii, ako nakita hb @5w3d kaso sabi nga ni Ob-Sono noon baka hindi makita kasi maaga pa pero buti nakita naman agad.

TapFluencer

ksma sa prenatal lab exams mo dapat ang transvaginal ultrasound. yun yung unang utz mo. kung di pa bnbgay ng ob mo, intayin mo na lang.

mami sakin nakita na yung hb ng 6wks 2days. pero pinaulit ako ng tvs 2wks after kasi medyo mahina pa hb ni baby nung unang tvs ko 🙂

developing stage pa lng Po Ang 5 weeks mie. 5 weeks din Po Ang unang check up ko nun TAs pinabalik aq after 2 or 3 weeks for transV.

Depende po ata mami kasi po nung first check up ko is 4weeks na po ako meron na pong heartbeat si baby 😊