40weeks na d pa rin open Ang cervix

Hi po 40 weeks na po ako today pero d pa po open Ang cervix ko. May reseta na ding evening primrose oil at 2 capsule sa umaga ilagay sa pwerta at 2 capsule din sa gabi..Ang Sabi ng OB ko pag sa Friday (40 weeks and 1 day) daw pag di pa rin open cervix ko ay e CS na ako... Nalulungkot ako kasi Ayoko po Sana ma CS.. sino po sa inyo ay 40 weeks na rin..#pleasehelp #advicepls

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

share ko lang po story ko..dapat po ang due date ko based sa LMP ko is Nov.15.pero nun i ultrasound ako ng sept. 30,lumabas na nag age ng 1 week ahead si baby..kaya naging Nov.4 ang due date ko basa ultrasound.Nagpacheck up ako ng Oct.2.after ng check up ko,from Oct.2 to Oct.8,hirap na ako maglakad kasi ang sakit ng sa may pelvic area ko at nagkakaroon ako ng Braxton Hicks,which is normal lang kapag malapit ng manganak...Supposedly ang check up and IE ko is Oct.18 pa.Oct.9 nagpacheck up ako dahil sa nararamdaman ko.noong i check ni OB,hindi pa dilated ang cervix ko pero nakakapa na ang ulo ni baby..36 wks and 5/6 palng siya noon.sinabihan ako na anytime from Oct.9-11,possible na maglabor ako..Oct.9-11,until Oct.12 hindi ako naglabor..pero same pa rin ung nararamdaman ko na masakit na pelvic bone..Oct.13 inadvise ako ng OB na mag pa Neonatal Stress Test (NST).para siyang ecg sa fetus.unang NST ko,sabi ni OB,bumaba ang heart rate ni baby kahit di pa ako nagcocontract..nun afternoon pinaulit pa rin ung NST ko..ganun pa rin ang ang result.at nun i IE ako 1-2cm palang cervix dilation ko..nagdecide si OB na i emergency CS ako dahil ayaw na niya magtake risk samin mag ina..and un na nga..Oct.13 ng gabi,i gave birth via emergency CS kay baby odie.sakto 37 weeks lang xa...

Magbasa pa
Post reply image

pag close cervix po di po pwdi iinduced. pwdi iinduce pag 1cm or 2cm ka pero pag close di pwdi induce. ako nga close cervix ako tpos over due na ako nag decide OB ko na emergency CS po ako. kasi due date ko oct 18, 2021 tpos di close cervix parin po ako ayun nag decide na OB ko na emergency CS ako oct 26, 2021 emergency CS na ako.

Magbasa pa
Post reply image

40 weeks and 1 day. No signs of labor din. Nag eveprim oil and all other suggestions na wala pa din. Scheduled ako tomorrow to induce labor. Better to consult po si OB mo about sa option to induce labor, after all sila pa din po ang nakakaalam ng situation natin at kung ano ang best for you and your baby’s safety.

Magbasa pa
3y ago

pano po yung induce? masakit po ba yun?

ako po mommy 41 weeks na ngayon pag sa EDD ko sa Regla pero nung hiningan aq ng latest ultrasound OCt 31 pa due ko un sinunod ng OB ko pero pag d pa din aq manganak hanggan Nov 4 CS na din aq..pray lang tayo mommy na mkaraos na tayo at normal delivery tayo pareho🙏🙏

3y ago

ako po 39weeks and 6days na ngayon base sa ultrasound oct 31 din due date ko pero wala parin sign until now, first time mom po ako kaya nagwoworry din ako.

hello po mga mamsh ask ko lang po kung pang labor na po ako nito. magdamag at maghapon tigas ng tyan ko hanggang puson at parang nsa pempem nlang lage si baby hirap na ko maglakad lakad pero di pa ganun kalakas discharge ko. no blood pdin po na mocus plug na sinsabe nla.

3y ago

Update nyo po si OB nyo about sa signs na nararamdaman nyo. Baka po kasi waterbag yung natulo sa inyo.

Try niyo po lagay sa puwerta niyo ng tatlong sabay at inumin ang oil butasin niyo pang po tapus ang gel para agad effective po yon kasi ginawa ko ng close cervix ko after 3days nanganak na ako

3y ago

3days mo po yan ginawa mam? 39weeks and 1day na po kase ko today kkareseta lang po sken ng primrose kase close cervix pdin po ako.

This coming october 30 40weeks na din po ako same situation 1cm still, no sign na mag labor or manganak nako. And umiinom na din po ako nyan 2x a day.

3y ago

sakin may paninigas na madalas ng tyan pero stuck na sa 1cm ang cervix ko kaya sinuggest nako for induce labor. baka daw kasw ma cs pa ako.

40 days and 1 Day last check up ko 1cm naq nag take na rin aq evening primrose at pineapple can wala pa din nag woworry naq di ko mapigilan

38 weeks and 5 days ako. Close cervix pa daw po. Maliit sipit sipitan. Pag sa Sat at ganun pa din daw ang offer agad eh iCCS na daw ako.

3y ago

Ako momsh 39 weeks 3days. close cervix pa din. ang sinuggest sakin e induce labor, hindi cs.

ako po mag 40 weeks sa oct 30. pero stuck ako sa 1cm .unang sonda sakin nung oct 21.hanggang ngayon 1cm pa din . for induce labor ako bukas

3y ago

nakapulupot pala ang pusod ni baby sa leeg kaya pala kahit anong ire ko ayaw bumaba ng baby ko .nakakain na din siya ng dumi kase 2pm pumutok panubigan ko mag 12 na ng gabi siya nailabas via cs. tapos ang laki pa ng baby ko. 3.8 kilos