PANANAKIT NG PUSON

Hello po, 3months and 3weeks na akong pregnant. Madalas sumakit yung puson ko as in sobrang sakit nakakapamilipit sa sakit tapos iyak na ako ng iyak. Halos 30mins kapag sumasakit. Sabi ng OB ko yung baby ko is nasa left ng ovary. Yung left na puson ko palagi yung sumasakit. Last check up ko wala naman nakita sa ultrasound kung anong dahilan and normal yung baby ko. Kakapag test lang din sakin ng urine wala namn daw UTI. Pero napapaisip sila kasi bakit sumasakit. Ipa pap smear daw ako. Ano po ba yun? Thanks po.

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din na feel ko my nong 4 weeks palang yung tyan ko, nagpa check up ako may bleeding pala sa luob kaya neresitahan agad ako nga pampakapit until nag 3 months tiyan ko sa awa ng diyos nawala na yung bleeding sa loob at hindi ko rin naranasan yung mga diacharge nga dugo. Tamang pahinga,vitamins and yung gamot pampakapit lang talaga ginawa ko ngayon I'm 18 weeks preggy my. pray ka lang malalampasan mo rin yan my.

Magbasa pa

ganyan din po ako pero ang niresetahan ako agad ni OB ng pampakapit para daw maagapan kase normal namn lahat wala dn UTI pero sobrang sakit assurance lang daw tpos bawal makipag do kay hubby thankful naman ako kase 30weeks na c baby ngayon and likot likot na niya sobra 😅 keep safe po mommy I am FTM 🤗

Magbasa pa

sakin naman parang nasanay nako kasi nung sumasakit ung puson ko leftside na popoop lang pala ako. simula din un nung nagbuntis ako puson nasakit sakin pag napopoop ako.

sakin din mga sis 13weeks in 3days sumasakit puson ko pero d as in masakit natatakot din ako minsan napaisip ako bkit kaya sumasakit puson ko

4y ago

Kami rin po...napapaisip din po kami...

ganian din nararamdaman q ngaun 15weeks preggy aq nananakit sya kaya pati aq nanghihina

4y ago

ganyan din sa akin left and right pa pero di naman umaabot ng 30 mins yunh sakit.

VIP Member

Kukuha ng swab sample ng liquid na lumalabas sa cervix mo to determined kung anong cause..

gdeve po ask ko lng ilang months ba pwed hilutin ang tiyan

4y ago

test lng yun sa cervix sis yung papsmear ako kasi nagpa papsmear bago mabuntis pra sure kung walang problema sa may cervix area mag 3months preggy na sumasakit din sakin araw2 pero nwwla nmn tas sskit nnmn tas may discharge ako na darkbrown kaya umiinom ako pampakapit .

VIP Member

Sumasakit din puson ko during my 3rd month of pregnancy. Yung sakit na parang pinipilipit sa loob. Mas masakit pa sa feeling na pag malapit na dumating yung period. Nung nagpa consult ako. Sabi sakin ng ob ko normal daw dahil nag eexpand yung uterus(?) Lumalaki daw kaya nakakaramdam ng sakit. Yun ang sabi nya nun sakin.

Magbasa pa
4y ago

Sa akin po, right side mostly pero parang kurot lang, nawawala agad.