pumutok ang panubigan o water discharge?

Hi po. 31 weeks pregnant. nagwawalis po ako kanina sa kwarto ng mafeel ko na basa yong panty ko. pero katatapos ko pa lang po magwiwi nun, like 10 minutes ago. wala naman po amoy yong basa, then parang water lang siya..naligo po ako agad..di na naman po naulit.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi momsh, 31 weeks din ako. Ganyan din po ako. Di pa nga din po ako nakapunta ulit kay ob. Pero nakapagtanong na din po ako, then sabi sakin kung wala naman daw pong pain, normal lang naman daw po. Basta drink lots of water lang palagi

5y ago

Wala pong spotting. Ngayon sana ako punta kay ob para magpacheck up, kaso wala pa po yong kapatid ko, si hubby nasa work pa..ok lang naman po siguro kung bukas ng umaga? Nakakaparanoid po kasi..