āœ•

25 Replies

TapFluencer

hello mamsh. bpo din ako. ask mo sa tl mo or sa hr nyo if meron kayong "schedule accomodations". samin kase may ganung schedule. wherein kukuha ka ng medcert sa ob mo, requesting your preferred schedule because of your pregnancy. para din if mas preferred mo na morning shift, ganun or if preferred mong earlier than 10pm. depende kung saang schedule ka comfortable. ako kase before nag request ako ng 7pm to 4am. tho si clinic namin din mismo nag suggest na better na mag morning ako, mas pinili ko yung 7pm to 4am since hirap ako matulog sa gabi hehe. until now ganun ako kase mas comfortable ako dun. then saktong by next month, last month ko na kase mag ma-maternity leave na ako, saktong naka morning shift kami. hehe. ask your TL if may options yung office nyo for preggies. para naman hindi ka mahihirapan.

thank you sis sa info. goodluck sa inyo ni baby šŸ¤—

ako, mi. BPO din. GY shift ako and still on WAH setup. 10pm-7am pero pinalitan ng OM namin na opener which is 8pm-5am kase request ng OB ko much better if di ako puyat since maselan ang pregnancy ko. Pero walang morning shift ang campaign na hawak ko. And due to that mas nagworsen ang condition namin ni baby, kaya nasickleave ako ng buong july and by august early maternity leave nako. duedate ko ng sept28. First 2mos ko maselan din ako kaya nagleave din ako ng 2mos kase ayaw pumayag ng OM namin na magresign ako kaya nagfile ako LOA. Nagnormal ako nung 3-5mos tapos naging maselan na naman nung 6-7mos. FTM din. so kung di ka maselan, go for it. If di kaya, wag ipilit. Bawal kase talaga satin ang mapuyat at mapagod ng husto. Going 31wks na kami ni baby now

thank you po sa pagsagot sis šŸ¤— goodluck sa inyo ni baby šŸ’

Hello mamsh! Me too remote work naman sa US and FTM. From 11pm to 7:30am. Dati sa bpo rin ako. Pag inaantok ako, tinutulog ko talaga. Basta healthy eating ka padin and more water everyday. After shift natutulog nadin ako. Gigising lang ako kapag nagugutom and nauuhaw. Nung mga 6 weeks ako, nag bleeding ako as in and pinagrest ako ng 2 weeks. Until now pala naka semi higa ako ng work kasi bukod sa bleeding ko noon, may miscarriage record ako last year. Kumpleto din vitamins and kapag may lab test ako ng umaga, nagleleave ako kasi need ng kumpletong rest kasi alam mo na madaming naapektuhan na test kapag puyat ka. Currently at 26weeks now.

thank you po sa pagsagot sis šŸ¤—

boo din po ako 30 weeks na ko preggy 1st time mom and shift ko po is 12am to 9am... so far andami n nangyari na pre term labor ako na bed rest tas pagbalik ko nag spotting tas bed rest ulit .. sobrang selan ... pero pumapasok padin po ako .. commute every day .. so far thankful ako kasi lahat Ng Ka team ko even my manager bantay ako... pinag lo LOA n nila ako ako Lang me ayaw Kasi need to make ipon p para kay baby.. d naman ako ino oblige mag take Ng calls anytime I can take a rest po šŸ˜… .. inom Lang din vits palagi hehe

thank you po sa pagsagot šŸ¤—

Ako mii, sa bpo din nagwwork before. But due to maselan ako magbuntis 6weeks pa lang ako nagresign na pinagbed rest ako ni OB until now, pero since medyo okay na ngayong 26weeks and 3days medyo nagkikilos kilos nako sa bahay para di mahirapan manganak pag lumabas si baby ā˜ŗļø As long as fit to work ka po, okay lang po yan. Ako kasi hindi ko kinaya at medyo nahihirapan din that time si baby. Pero in God's grace okay na si baby ko ngayon at healthy na ā˜ŗļøšŸ’›šŸ˜‡šŸ™šŸ»

wow, good to hear po.. wfh naman po ako sis

Hi, nag wowork din ako sa bpo and ang schedule ko naman ay 2am to 11am. Im 17 weeks pregnant at dahil sa puyat at init siguro kaya hindi ko kinakaya yung pagod at pinag leave muna ako ng doctor ko at ng manager ko however it's up to you kung kaya mo pa rin pumasok, pero kapag feeling mo eh sobrang napapagod ka at sumasakit tiyan mo. Much better to consult your OB at syempre pahinga para kay baby. First time mom rin ako :)

thank you po sa pagsagot sis šŸ¤—

Ako po US COMPANY nag wowork. Sa bank ako kaya ang time ko eh graveyard rin. Binigyan ako option sa work to work from home 2x a week pero since hirap talaga ako labanan antok tapos ang tagal ko pa nakaupo which is bad po kay baby un dapat iba iba daw ang galaw natin. Nag LOA po ako. Sabi kasi ni partner mas mabuti na mag LOA kasi di naman mababayaran ng work ko kung may mangyari sa baby tiis tiis oang daw

thank you po sa pagsagot šŸ¤—

bpo din ako nag wowork and graveyrd shift din hehe may nga times na super antok at di maiwasan makatulog kaya ang ginawa ko nung time na naglilihi ako e nag LOA muna ako dahil maselan. Nakabalik ako sa work 20 weeks preggy ako at medyo okay okay na pakiramdam. 32 weeks na ko ngayon buti nabago ang sched naging 5am-2pm na di na puyat hehehe

ay sana ol po. btw, salamat po sa pagsagot sis šŸ¤—

me mommy!! 2nd pregnancy ko na :) 9pm - 6am ako, sat sun din off hehe ang sabi naman ng ob is walang problema sa kung anong oras ka matutulog, ang importante laging 8hrs pataas. nung first pregnancy ko, same case din. graveyard ako since bpo plus onsite pa ko (pre pandemic) and wala naman naging problema. more tubig, more milk and wag lang magskip sa prenatal vitamins. ā¤ļøšŸ„°

thank you po sa pagsagot šŸ¤—

Hello po, currently 17 weeks and also first time mom. And same oras tayo ng shift and off. Yun nga lang is wfh padin ako so walang prob kay OB, binigyan pa nya nga ako nung checkup last week ng fit to work at night šŸ˜Š as long as ok naman si baby, inom ng vitamins, tulog and kain ng maayos, sa tingin ko naman wala tayong magiging prob šŸ„°

actually po sis, wfh din po ako šŸ¤—

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles