Ugali ng tatay ng anak ko

Pls enlighten me. Mali ba ang reaksyon ko? Yung live in partner ko kasi lumaki sila na normal lang magmura pero naaaburido na kasi ako sa pagmumura nya. Hindi ako banal , nagmumura din ako. Pero parang napapadalas na pagmumura sakin e. Biro, galit, asaran may mura e. Kanina bumili sya ng hipon. 12 pcs daw. Kako tig aapat kami ng anak ko. Sabi nya "ulol pakyu apat kay ***(anak ko)?" Tapos ang response ko "ulol pakyu?" Tapos nagalit sya tinapon nya yung hipon umakyat s taas nagdabog. Sya pa galit ako na minura. Mali ba ako? Kinausap ko na sya about sa pagmumura nya kasi minsan minumura nya ako sa harap ng anak ko baka matuto e. Hindi nya daw mapigilan hindi magmura kasi ganun daw sya pinalaki.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nothing wrong sa naging reaction mo. Di naman na din kasi maganda yung ganyan na ultimo sa harap ng anak nyo nagmumura sya. Sige sabihin na nating ganun sila pinalaki, di naman ibig sabihin nun na ganun mo na rin palalakihin mga anak nyo. Sana makapagusap pa kayo nang maigi tungkol dyan, tulungan mo nalang din sya, paalalahanan mo nang malumanay sa twing mapapamura. Set a good example para sa mga bata.

Magbasa pa