Walang kwenta

Pls no to bash po. Pano poba maging mabuting ina? I have baby girl 14months old at payat siya at kulang sa timbang she's breastfeed. Nasakin kase ung kamalian e, madalas hindi ko siya napapakain ng mga masusutansya☹️ hindi kasi ako marunong magluto, minsan kami lang ng bby ko naiiwan sa bahay. Madalas pa tanghali na ang gising namin ni baby, hindi ko magampanan ng maayos ung pagiging nanay ko😭 hindi ko magawa gumising ng maaga, hindi ko magawang magluto ng masustansya para kay baby, hindi ko magawang palakihin sya ng tama😭 lakas pa ng loob ko sumama loob sa ibang tao kapag kinukumpara nila baby ko sa ibang baby samantalang kasalanan ko naman lahat😭 im 22yrs old, pero ung utak at isip ko hindi pa maging matured hirap na hirap ako gampanan ng maayos pagiging partner at nanay ko☹️ plsssss lighten up mga mi. Paano ba ko magiging mabuting ina😭 sobrang hirap, sobrang hirap ng wala kang alam ng hindi ka marunong. PLS PO NO TO BASH NAMAN TAO LANG DIN PO AKO NAGKAKAMALI.

52 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello mamsh! Don't be too hard on yourself. Wag mo sabihing wala kang kwenta because the fact na you decided to bring your child into this world is already a great choice at napakaimportante nang desisyon. Wala pong manual ang pagiging nanay. We are nanays in our own ways. Ang paghingi mo ng tulong about your situation is brave enough! Saludo ako sayo! Now, tandaan mo, you are a good mother! And good job kase gusto mong maging better pa. One step at a time lang mamsh. Unahin mong ipractice ang paggising ng maaga para madami kang time magprepare. Madaming easy recipes sa youtube at fb. Sipagan lang sa pagresearch. Makakatulong kung may notebook ka, isulat mo lahat ng gusto mong matutunan at maglaan ka ng time para pag-aralan lahat, one at a time :)

Magbasa pa