52 Replies
ganyan ako dati mommy Nung nagwork ako may Isa na akong anak Kaya nasanay ako na Yung nkalimutan obligasyon ko nagagawa Ng mga kapamilya ko ,dun ako naasa sa kanila Mula sa pag aalaga,pag pa check up ,birthday Ng anak ko,mga maliit na bagay na dpat gawin ko dko magawa ,pero Alam mo nagbago pananaw ko Nung nagka sakit ng dengue anak ko dun ako natakot na mawala sya Kya orada nag resign ako,inisip ko Anu mahalga sa akin,katulad mo din di ako marunong magluto sa asawa ko lng ako naasa sa kakainin nmin tanghali din ako nagigising dhil sa work ko,pero Nung na realize ko lahat unti unti ko pinagaralan magluto khit di masarap sa una ok lng at least nagtry ako,pero habang tumatagal nkasanayan ko at magawa ko Ng mabuti ,at nakikita ko nagustuhan Ng anak ko at asawa ko Ang luto at effort ko Ang saya ko sobrang fulfilling tlga,ate Kung may mga Tao nagsasabi sayo Ng kinakasakit Ng loob mo boung puso mong tanggapin Kasi Alam mo nman totoo,ate kaya mo Yan ihakbang mo sarili mo Ng paunti unti,para sa sarili mo at Lalo na sa anak at asawa mo. good luck kaya mo Yan,Ang pagmamahal mo sa anak mo gawin mo motivation para magawa mo Yung gusto gusto mo gawin para sa kanila.
No one in this world knows how to be a perfect mother because nobody is. But we can all be the kind of mother our children need. Anyhow we are all in the process of becoming. Please be kind to yourself. You are doing just fine. Eversince naniniwala po ako na hindi lahat pinipili ng Dios maging nanay. We are blessed that God has chosen us. Imagine kung anung nararamdaman ng mga nangangarap maging nanay pero hindi nabibigyan ng pagkakataon or hanggang ngayon naghihintay pa rin sa twing makakakita sila ng buntis o nanay na may hawak na baby. Panigurado they will trade everything and anything just to have a child. I want to remind you that you are one of the chosen ones na pinagkatiwalaan ni God para alagaan at mahalin ang isa sa mga anghel nya. I am certain that you are trying your best - recognize it. I know that you are giving your all - embrace it. Pray. Reflect. Pray. It works. Wishing you all the best. 😊😊
it's your obligation to take care and to cook nutritious food to your baby. it is a responsibility and it is a MUST to wake in the morning and prepare a NUTRIRIOUS FOOD for your baby. kung gusto mo talaga baguhin yang katamaran mo unahin mo munang magising ng maaga, parang sakit mo na rin ang katamaran. ako nga di marunong mag luto at single mom pa ako, pero nagagawa kong ipag luto anak ko ng mga masusustansyang pagkain, may internet na sa mundo natin pwede po isearch search di yung tengga ka lang diyan ganun, mahirap pero isipin mo yung ANAK MO siya ang unang mahihirapan bago ikaw. kung nag kasakit siya kasalanan mo rin yon kasi napapabayaan mo na siya. ugaliin mong magising sa umaga matutong ipag hain ng makakain ang pamilyang binuo mo. nanay ka na! mag PAKA- NANAY KA! be a responsible mom.
Hello mamsh! Don't be too hard on yourself. Wag mo sabihing wala kang kwenta because the fact na you decided to bring your child into this world is already a great choice at napakaimportante nang desisyon. Wala pong manual ang pagiging nanay. We are nanays in our own ways. Ang paghingi mo ng tulong about your situation is brave enough! Saludo ako sayo! Now, tandaan mo, you are a good mother! And good job kase gusto mong maging better pa. One step at a time lang mamsh. Unahin mong ipractice ang paggising ng maaga para madami kang time magprepare. Madaming easy recipes sa youtube at fb. Sipagan lang sa pagresearch. Makakatulong kung may notebook ka, isulat mo lahat ng gusto mong matutunan at maglaan ka ng time para pag-aralan lahat, one at a time :)
hindi naman nasusukat ang pagiging mabuting ina, at wala sa edad yan moms. if you're willing to learn at accept na mommy kana, magagawa mo yan.gaya ko, unica hija ako, i have 7 bros.ni maglaba ng bra at panty ko dati sila naglalaba, walang alam na gawaing bagay, ni maglinis at magluto, inshort ang tamad ko 😆😆gusto na nga akong ibalik ng mama ko sa sinapupunan nya eh😔😔.pero nong nag asawa na ako last 2019 at nagkababy last oct.2020, i want to be a good wife and a mother. to them. excited ako alagaan baby ko pati si hubby, nanunuod ako sa youtube lagi- how to take care a baby, how to cook, etc., and my husband supported me in anyways, bonding namin ang magluto at alagaan si baby..kaya ikaw moms, kaya mo din yan. unahin mo sa sarili mo.
Hi Momsh. Nakikita mo yung pagkkamali mo that's a good sign meaning alam mo kaya mong itama ang tanging tanong mo lang paano sisimulan, mag umpisa ka sa gumising ng maaga, mag alarm ka, at pag natutulog si baby pwede ka sumabay sa pag tulog nya para d ka masyado pagod, manuod ka sa mga YouTube or any apps na magtturo sayo paano mag luto, lahat nman napag aaral iba balance mo lang, walang ina na gusto mapa yaan yung Anak nya, may mga pagkkulang tayo Pro pwede itama dba. Pag kakaen ka isabay mo si baby subuan mo sya or hayaan mo sya kumaen mag isa, d nman naman kailangan ng mssrap na ulam bsta may gulay at prutas solve na. kaya mo yan momshie. Hndi ka immatured kasi alam mo sa sarili mo yung problem. Always pray at tiwala lang.
una huli na ang lahat para ibash ka sis kc nanjan na yan eh..may baby kana. ayan na ang buhay na pinili mo...siguro ang maipapayo ko nlng sayo..panindigan mo ung desisyon mo na maging ina at asawa...mag umpisa ka ng pag aralan ang mga bagay na dapat magampanan ng isang ina...lahat tayo dumaan sa 1st time...npaka dami ko ring hindi alam noon nung nag uumpisa plng kami ng asawa ko...alisin mo na sa isip mo ung pagiging dalaga...may asawa kna at anak..makakatulong sayo kung ikaw sa sarili mo tanggap mo na may anak kana...wag mong isipin na hindi mo kaya..palagi mong iisipin na gagawin mo ang isang bagay para sa baby mo...mag saing. magluto..wag kang ma stress isipin mong kaya mo..KAYANG KAYA MO YAN......
ako din po first time mom! hndi dn po ganun kataba baby ko pero sakto naman sa timbang nya . she's 11 mos old na. nag bf dn kme hanggang 6 mos sya then umayaw na sya sakin pagka 7 nya gawa ng nagwowork nako pero ganyan dn ako kse simula newborn sya feeling ko laging may kulang tas payat sya di tulad ng ibang babies na kasabay nya na ang tataba. dami ko dn doubts, and na pressure kse bat di tumataba baby ko. na lagi ko ding iniisip na may mali sakin na kasalanan ko. pero kahet ganun, tnatry ko padin best ko lagi akng nanood sa youtube, meron sa tiktok na mga pang daily foods ng baby tas luto, gawa . kaya mo yan mommy!!🙏🏻❤️❤️ Pray tayo always! laban tayo hehe. dika po nag iisa🤗🤗
Mommy, always remember the moment a child is born, the mother also born.. first time mom tayo, kaya it's okay na nangangapa pa sa mundo ng motherhood, natural lamang na may pagkukulang or pagkakamali tayong nagagawa kaya don't be harsh on yourself. Maraming paraan upang mapakain ng mura pero masustansya si baby, andyan ang mga fruits and vegetables. Ipinagkatiwala sayo ng Panginoon ang anak mo or isang buhay ng tao, at alam nya na makakaya mo na magampanan ang pagiging isang mabuting ina. There is no one right way to raise a child. Do your best, trust yourself and enjoy the company of the small person in your life. 😊
It takes a lot of patience, sacrifice and dedication ang pagiging mom. Dapat gusto at mahal mo ang ginagawa mo para magampanan mo yung role mo as a mom. You have to embrace your life now that you’re a mom. Nobody’s ready to become a mom. Sarili mo mismo magtuturo and mag initiate. Kaya mo yan dear. Also, sabihan mo partner mo na you need his help. Wag kang mahiyang humingi ng tulong. Mahirap mag alaga ng baby, ako 1 month old palang baby ko pero big adjustment. Namimiss ko minsan yung pre-motherhood life ko pero masarap ang may baby. Kaya mo yan. Good luck mama!! 💚