Hi. Please I need some advice. Na share ko na dito before that I was diagnosed na may Anxiety and Depression, na may minemaintain na mga gamot bago ako mabuntis. Since nag quarantine, di pa ako nakakabalik sa psychiatrist na tumitingin sa akin.
The past months, nilalabanan ko yung nararamdaman ko. I don't know kung masyado ba akong sensitive or what. Basta konting may masabi na di maganda like ang bobo ko, etc. Sumasama na agad ang loob ko at iiyak. Minsan nasisigawan ko na ang 3 month old Baby ko pag di ko agad siya mapatahan.
Now, as in ngayon lang. Di sinasadyang may mabasa ako. Di ko kilala yung kausap sa messenger ng asawa ko but it seems na close sila pati sa mga kapatid ni mister yung babae. But hindi about sa kanya yung pinag uusapan nila, about sa ex ng mister ko. Yung mister ko nagcoconfess siya na first love niya yung ex niya and parang nahihirapan siyang mag move on sa kanya.
Heto ngayon, I feel like.. bakit naman ganun? I want to talk to my closest friends to open this pero di ko alam where I start. Sobrang nasasaktan ako. Umiiyak ako literal. Pinag usapan na namin before yung about doon sa ex na yun pero sinasagot lang sa akin na bakit ko pa inoopen yun eh matagal ng tapos yun. Ang mahalaga raw yung ngayon, yung Baby namin.
Please. Need advice. I feel I'm worthless. And parang gusto kong umalis o lumayo somewhere. 😢💔
Anonymous