30 Replies
Ganyan din una kong ultrasound, 5wks sakto ako nun GS palang nakita, wala pang yolk sac at heartbeat. Pero sabi ng OB ko sure naman daw na buntis ako, hindi ectopic kasi nasa loob na sya ng matres ko, wala ding subchoreonic hemmorhage. Kaya pinabalik ako ng OB ko after 2 weeks. Sa case mo maam baka may ibang nakitang findings yung mga OB mo kaya nila nirequest na maraspa ka na. Kasi 3 OB na pala napuntahan mo pero same lang sila ng mga sinasabi. Pero go miii. Wait ka nalang mga 2-3weeks para sure na sure. Praying for you na sana okay kayo both ng baby mo. 🙏
Ganyan din po saakin myy, nagpa ultrasound ako kasi base sa last menstruation ko 7 weeks na. Pero ganyan lang din nakita, walang nakita and nadetect na heartbeat . Pinabalik ako ng OB ko after 2 weeks, then pag ultrasound ulit meron na nakita and nadetect heartbeat ❤️ yun pala 5 weeks palang nung last check up ko. Kaya until now hindi nakabase sa LMP ko kung ilang buwan na si baby. Sa size na binabase ni Doc. 🤗 Kaya relax lang Myy, balik ka po after two weeks and praying may makita na. Kasi dumaan din po ako sa ganyang feeling.
Thank you Miiii 😍
Kadalasan kasi pag masyadong maaga pa, mabagal pa growth nila sa loob dahil hindi pa naman tayo ganun ka lakas kumain, so di sapat yung nutrients. Sa case ko noon, 4w nag + agad sa pt kaya the whole week naka set na sa isip kong preggy ako kaya lumakas akong kumain. 5w first check up ko– ang result may sac na pero no hb. Sabi ng ob ko, tama lang daw magpa check ng maaga as soon as + sa pt. Para mabigyan na agad ng folic acid. Para makatulong sa development. After 2 weeks, may hb na and umangkop agad ung laki nya.
Ask lang po ako.ilang beses napo kayo nagpa tvs mula nung naconfirm nyo sa pt n buntis po kau?kasi nkakapagtaka po n 3 ob napo napuntahan nyo at ganon lahat ang advice nila.kelan po ba kau huling nagregla?kasi kung nakailan tvs npo kau at puro ganun ang findings kada week ska lng sila pede mgsavi n for raspa ka kasi hindi ngdedevelop pag ganun.pero kung once lng po kau ng p tvs dpt pghintyin pa kayo hanggang 8weeks mula sa huling regla nyo.
ganon po ba.baka po blighted ovum napo yan?ngyri din po ksi yan skin sa last pregnancy ko.3x ako ngpa tvs every 2weeks un at hindi tlga sya lumalaki .kaya nakunan ako nun.ksi po hindi nmn po kau iadvice ng ob n mgparaspa kung once palang kau ng tvs e.kung inabot na kau ng 8 weeks at 5 weeks 1 day padin ang laki nya msyado n po malaki ang difference .pero s tingin ko po mdadaan p po yan sa gamot pra lumabas sya naturally para di n po kau maraspa.ask nyo po ob nyo kung pwede un ksi mahal din magparaspa if private osp po kau.
Sakin po nung first baby ko ganyan nangyare blighted ovum daw po. naka ilang opinion kami puro ganon sinabi then inantay nlng po nmin lumabas di na pina raspa. pero wish lang ntin mii na pagbalik mo makita na si baby and may heartbeat na. ❤️ Nafeel ko rin po ganyang pakiramdam sainyo
same po ganyan din po saakin Yun first baby ko blighted ovum then after two months na buntis po ulit ako Akala ko nun di totoo Yun naramdaman ko sya at nag ultrasound ako dun Nako naniwala
hintay ka pa ilang weeks mi. baka too early pa. yung iba kasi sa ganyang weeks nakikita na parang sa akin 5 weeks 5 days kita na at may heartbeat, yung iba naman hindi pa. pray tayo na pagbalik mo makita na si baby with heartbeat 🥰🙏
ako nung nakita non 6weeks palang pero wala pa sya hb ngayon 18weeks na tyan ko may nararamdaman na ako sa may tagiliran ng pagpitik o paggalaw
same po sakin 4weeks going 5 weeks nung nagpa tvs ako wala pang laman sac plng ang nakita pero possible na buntis napo ko nun pinabalik ako after 3 weeks ayun nkita na si baby at my hb nadin..now 19 weeks and 3 days na si baby
ganyan dn po saken muntik na dn akong maraspa kasi may sac pero walang baby sa loob mabuti at naghintay ako after 3weeks lumabas na sya 🥰 pray lang po at mag hintay ng 3weeks saka po kayo pa ultrasound ulit
lumipat din po ako sa ibang ob kasi nag isip ako ng nag isip nung sinabi ng ob kailangang tanggalin..nung naghintay ako at lumipat ako sa iba ayun meron na sya
6 weeks ako una nagpa ultrasound at may very maliit na fetus at sobrang lakas ng heartbeat. try to wait mommy, then pwede ka paconsult sa ibang ob if feeling mo di ka safe and comfy sa ob na nagcheck sayo 😊
ok po salamat po mii❣🥰
ganyan din sakin mi 5weeks 2days. early pregnancy nakalagay sa ultrasound kaya sabi ni ob balik ako after 2 weeks tpos ayun after 2weeks may heartbeat n sya..kapit lng mi and pray🥰😘😘🥰🙏
akkiie