breastfeeding
please help! ayaw mag latch ni baby. nahahawa ako sa frustration nya na wala syang milk na makuha sa breast ko. kahit pisilin ko breast ko ng matindi, butil lang ang lumalabas minsan wala pa. ano pwede ko kaya gawin? thanks in advance
SUSO, TANGGAL, MAKTOL, IYAK... SUSO, TANGGAL, MAKTOL, IYAK... GANITO BA ANG BABY MO? Ang CLUSTER FEEDING o BUNCH FEEDING ay ang pagsuso ng isang sanggol nang mas madalas o minsan ay mas mahaba. Ito ay normal lang lalo na sa gabi. Minsan, ang kasunod nito ay mahabang tulog ni baby sa gabi. Halimbawa, sususo siya mula 6PM hanggang 10PM nang kada oras o kaya naman ay walang tigil pagkatapos ay matutulog ng buong gabi. Ang cluster feeding ay kadalasang may kasamang pagiging iritable. Sususo siya ng ilang minuto, bibitaw, magmamaktol, iiyak nang paulit ulit. Nakaka-frustrate ang ganito para sa isang ina kaya magsisimula siyang magtanong kung sapat ba ang nakukuhang gatas ni baby, kung dahil ba sa kinain niya kaya iritable si baby, kung may mali ba sa LAHAT ng ginagawa niya kaya ganun si baby. Pwede itong makaapekto sa confidence ni mommy lalo na kung tinatanong din siya ng mga kasama niya sa bahay. HUWAG MAG-ALALA DAHIL NORMAL LANG ITO Walang kinalaman ang breastmilk mo o ang ginagawa mo bilang nanay sa nangyayari sa baby mo. Kung masaya naman si baby sa buong araw, at mukhang wala namang masakit sakanya (tulad ng kabag) kapag nagmamaktol siya --- subukan mo siyang pakalmahin at huwag mong pahirapan ang sarili mo sa kahahanap ng sagot. Hayaan lang sumuso si baby hanggat gusto niya. Hindi solusyon ang pagbibigay ng supplementation katulad ng formula o bote sa ganitong sitwasyon dahil makakahina lang ito ng supply mo. Tandaan na ang pagsuso ng isang bata ay hindi lamang dahil sa gutom siya. Minsan, gusto lang nilang mas bigyan sila ng atensyon, kargahin, yakapin, ihele, o gusto lang maramdaman ang init ng katawan ni mommy. Written by: Breastfeeding Mommy Blogger SOURCE: https://kellymom.com/parenting/parenting-faq/fussy-evening/ https://m.facebook.com/groups/222617211779687?view=permalink&id=247359075972167
Magbasa pa