Ask??
Pinapaligoan niyo ba baby niyo ng tuesday and friday..?? Kasi sabi nila bawal daw?
Sa unang panganak oo sinusunod tlga na wag paliguan ang mga babies ng ganung araw pero kung ilang bwan nman na pwde na araw araw kasabihan lng naman po un wala nmang masama sa pagpapaligo ng ganung araw. Ang araw araw na pag papaligo sa bata ay nakakatulong sa mabilis na pag laki at matibay na reaistensya.
Magbasa paPero nasa kundisyon din ng bata yun kung papaliguan moba siya o hindi. Wala naman masama maniwala. Kasi lalo na sa newborn . Kahit di naman araw araw alcohol at tubig na muna sa ibang araw ganon. Pero ku g mga 3months nasiya okay lang yun. Kanya kanya parin naman sa tin yung ganyan.
At ano pong reason bakit bawal paliguan si baby ng tuesday and friday? Pamahiin ba to? Hahaha. Kapatid kong bunso araw araw noon nililiguan ng mother ko. Ganun din nakikita ko sa mga tita ko noon. Araw araw nila pinapaliguan baby nila.
Same tau dyn mami.. kasi sabi din ng mama ko bawal dw pamahiin alam mu namn pag sa probinsya., sinusunod ko nalang.. pero nilalabaran ko c LO ko, labar na basa din ulo at buong katawan parang ligo na din๐๐ haha
Yung baby ko Monday and Friday naman. Kaya Monday kase Monday ako nanganak. D ko alam kung Bakit d pwede. Sabe lang kase ni mama and ng matatanda dito samen. Sinusunod ko na Lang. Wala naman masama kung susundin ehh..
Yan din sabi ng mother in law ko, nung una sinusunod ko for 1 month ginawa ko kay baby. Pero after thhat hindi ko na ginawa kc sobrang init ng panahon ngayon kaya araw araw naliligo ang baby boy ko. ๐
Hindi po, nickname ko po yan. Its Zyra Katreena. My baby boy is Zavian Gabbe Benj ๐
Ganyan mother ko ayaw paliguan baby ko ng Tuesday and Friday, wala akong choice kesa magtalo pa kmi pero nung mag 3 months c baby everyday na umokay na sya hehe. Pero ang advice Tlga ng pedia dpt everyday.
Yes everyday po tlga dpat kc napakainit. Ako nako dedma sa ganyan , my child , my rules ๐ tau nga po d maligo ng isang araw nlalagkitan na eh sila pa kaya hehe
nung una ginagawa ko yan dahil kasabihan nga daw yan sabi ng biyenan ko pero dahil sa init ng panahon ngayon diko na sinusunod wala namang nangyayare mas nape preskuhan pa si bby
Dati gnun aq sabi kasi mattanda gnun nga dw bawal paliguan so sumunod nman aq wala namn mawawala eah..but now sobrang init ng panahon evryday q n pliguan c baby
Sa init ngayon, kawawa naman ang mga baby kung di papaliguan. Wala namang kinalaman sa days ang paliligo. Mas magkakasakit pa nga ang bata kung di pinapaliguan.