13weeks

pinakinggan ung heartbeat kanina pero wala pa daw sabi ng midwife usually 4months daw talaga naririnig ang heartbeat. kayo po kailan narinig ung heartbeat ni baby? ps. hindi po ultrasound ung ginamit sakin, diko alam tawag sa machine na yun eh?

76 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sa dopler po ba? Kung sa dopler po mahirap pa po talaga mahanap or marinig yung heartbeat. Pero kung sa trans v po di po normal na walang marinig na heartbeat.

usually by 6weeks meron na yan.. mas ok kung mag pa trans v ka pra makita kung ok ung development ni baby at the same time makikita dun yung heartbeat.

Saken mommy nung nag spotting ako sugod ako kagad sa OB, 6 weeks Lng un pero malakas na ung Heartbeat. Thanks God at Closed Cervix ako nun ๐Ÿ™‚

12weeks ako nung narinig heartbeat ng baby ko sa doppler malakas na yung tunog ng heartbeat nairecord ko pa nga hehe. Pacheck ka Lang po ulit.

12 weeks po thru ultrasound, narinig na heartbeat ni baby. baka po medyo mahina yung device na ginamit ni midwife kaya ganyan

Fetal Doppler po ginamit sa inyo mommy. Pag 13weeks po kasi di pa nadedetec ng doppler. Ako po nagdoppler 19weeks na.

Sakin one month ahmf nasa 4 weeks and 4 days ata kasi pinapacheck up agd ako ng asawa qo agad merun nmn heartbeat.

Doppler po cguro gamit ng ob niyo. Minsan talaga hindi makuha or matagal bago makuha ng doppler ang heartbeat ni baby.

5y ago

opo doppler pala tawag dun naggoogle ako. yun po ginamit kanina sakin

Sakin po,rinig na ung heartbeat ng baby ko kahit 11 weeks & 3 days pa, nagpa.ultrasound(Pelvic) aq kahapon..

Sa akin sis dopler ang ginamit sa akin 13 weeks and 2 days, Sa awa ng diyos ok naman heartbet ni Lo.