Hindi ako papaniwalain sa kung ano anong meron.

Pero kanina sarap ng tulog ko bigla kami nagising ng mr. Ko sa ingay na parang nag dadabog na may nakamot sa kisame sobrang lakas makabulabog pero yung sa kabilang kwarto di sya naririnig eh manipis lang naman yung pagitan ng room. Tas sabi ko ccr ako pag ka cr ko sinamahan ako sa pinto si mr. Tas yung ingay nawala maya maya na punta sa kisame sa cr tas pumasok si mr. Sa cr bigla labas ko sumakit tyan ko napaupo ako nanghina ako bigla. Then kumuha si mr. Ng bawang nilagay sa bintana nakasunod pa din yung maingay pag lagay nya ng bawang sa bintana at tapat ko nawala yung ingay kaso nagulat ako di na ko nakatulog agad maya pinatutulog na ko pag pikit ko bumalik nanaman tas bumalik sakit ng tyan ko tapos na wala ulit nung nawala yun. Nakatulog na ko.

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Tiktik na yan. Maniwala ka po o sa hindi nakakita na ako niyan. Tandang-tanda ko may pumasok sa loob ng bahay namin na malaking ibon nakabukas kasi pinto namin. Nanay ko buntis nun tapos kabuwanan na niya. Ginawa ng nanay ko umalis ng bahay namin nagpunta sa kapitbahay namin. Pagpunta niya dun sumunod yung malaking ibon. Tapos umalis ulit siya dun nagpunta naman sa bahay ng tita ko ang nanay ko. Sinundan din siya dun ng malaking ibon. Umalis ulit siya dun naman siya nagpunta sa bahay ng isa kong tita. Sinundan din siya dun. Ginawa ng nanay ko kumuha siya ng asin tapos ayun bigla umalis yung ibon. Tapos bago siya natulog pinalibutan niya ng asin yung tutulugan niya tapos pinalagyan niya ng asin yung bubungan namin at saka bawang.

Magbasa pa