20 Replies
Ako 8 weeks noon, di ko naiisip yang mga ganyan pero one time binangungot ako panaginip ko may aswang na gustong pumasok sa loob ng bahay nmin, kahit sinasara ko na mga bintana at pinto pinipilit niya pa rin ipasok katawan niya, takot na takot ako paggising ko. Gigisingin ko pa lang si hubby pero maya maya bigla siya sumigaw, ginising ko siya sabi niya panaginip niya daw may aswang na gustong pumasok kahit anong sara niya ng pinto at mga bintana nabubuksan pa rin. Nagulat ako kasi pareho kami ng panaginip kaya natakot talaga ako mula nun naglagay na ko ng asin sa buong paligid ng bahay nagsaboy kami pati mga luya naglagay kami sa mga bintana. Nasa liblib kaming lugar at baguhan lang kami dito,sabi nila marami daw talagang aswang dito kaya pinag iingat ako.
Tiktik na yan. Maniwala ka po o sa hindi nakakita na ako niyan. Tandang-tanda ko may pumasok sa loob ng bahay namin na malaking ibon nakabukas kasi pinto namin. Nanay ko buntis nun tapos kabuwanan na niya. Ginawa ng nanay ko umalis ng bahay namin nagpunta sa kapitbahay namin. Pagpunta niya dun sumunod yung malaking ibon. Tapos umalis ulit siya dun nagpunta naman sa bahay ng tita ko ang nanay ko. Sinundan din siya dun ng malaking ibon. Umalis ulit siya dun naman siya nagpunta sa bahay ng isa kong tita. Sinundan din siya dun. Ginawa ng nanay ko kumuha siya ng asin tapos ayun bigla umalis yung ibon. Tapos bago siya natulog pinalibutan niya ng asin yung tutulugan niya tapos pinalagyan niya ng asin yung bubungan namin at saka bawang.
May ganyan din dito samin not sure din kasi parang kinakalmot ang kisame.. Naglagay kami ng bawang at asin sa lahat ng bintana ng kwarto. Then sa palibot nv bahay may asin din.. Main door meron din asin. Lagi n din ako may suot na black n tela sa tyan ko. Naglagay din ako kalamansi sa tyan ko yun din kasi sabi sakin. Ang asawa ko bumangon at nagtapang, nagparinig sya.. Takot daw aswang sa mga matatapang.. At higit s lahat prayers po.
Momshie kagabi lang din nakaexperience ako ng ganyan. Around midnight yun e.. Pero sa may kisame naman at hindi mismo sa may bubong.. Ang alam namin pusa lang yon or daga.. Ilang beses din nangyari yun pero kagabi lang ulit may ganon.. Parang kinakamot lang din yung kisame. Hindi naman pumasok sa isip ko yung tiktik na sanasabi nila.. Just pray nalang momshie. And ingat palagi
Ako din. Pero imposibleng pusa parang may tao sa kisame na ng dadabog eh kasabay ng pag kot sumasakit tyan ko. Kaya pinaligiran na ng asin at bawang, luya yung bahay at kwarto tas may calamansi pa.
Same din dito bahay namin may pumapasok na pusa sa kisame and kinakalmot yung kesame nung isang araw nagtaka ako basa yung kesame (hardeflex kaya kitang kita kong basa) sa tapat ko mismo d naman naulan pero dko naisip na ganyan pala .. Pero sinabihan ako lagi magbulsa ng bawang at asin paglumalabas ng bahay iwas daw sa masasamang nakapaligid...
maganda daw uling ilagay sa may pusod or sa bulsa m lagi para d maamoy ng mga ganyan .. saamin kasi may mag paparamdam din kaso hindi nmn nmin nkikita or hindi pa nmin alam kng exsaktong location nia bsta bumibisita lang sya dalawa kming buntis dto sa bahay kaya nakakatakot din lalo ng wala aqng kasama dto sa kwrto
sakin naman, nagising ako ng madaling araw kasi init na init ako tapos nakita gising din si Hubby at sinasarado nya yung bintana namin na nakabukas tinanong ko sya kung bakit. sabi nya may narinig daw syang kalabog sa bubong tapos nakakita daw sya ng malaking pusa.
Sabi nila nag papalit daw anyo yun? Yes ganun din po ko natok na antok na ko pero feeling ko masakit tyan ko kala ko gutom ako kain ako kaso nasusuka na ko nung kumain ako tas pinilit ko matulog di ako mapakali nun init na init tas nakatulog na sarap na ng tulog ko nun nagising ako yan ang nang yari.
Ganyan din ako,ang ginawa namin bintana nilagyan namin ng bawang,at sinabitan ng walis tingting.pati pinto ng room ko.at tuwing gabi may hawak akong asin. At syempre ang pinakabisa pa din.pag darasal.ingat tayong mga preggy.
Maglagay ka ng asin at bigas sa ulunan mo sis kung may bintana ka lagyan mo din. Ganyan ako ngayon lapitin kasi ako ng mga kung ano ano kahit nung di pa ako buntis. Minsan tumahahol ung mga aso namin ang weird nila.
Taga saan po kayo? Totoo pala ang tiktik? Sa mga liblib na lugar lang po ba yon or provinces? Natakot ako bgla. Mag isa ko palagi pmapasok asawa ko pang gabi.
To make sure daw mag pahid ng calamansi sa tyan. Mag tabi sa bintana at pinto. Mag dala lagi ng bawang luya at asin momsh.
Kristina Christine D. Pedregosa