AGREE or DISAGREE: Pag wala kang PERA wag ka na mag Pamilya!
286 responses
agree. jan na kasi talaga papasok lahat ng responsibilidad eh. kahit sino naman aayaw makadanas na magugutom ang pamilya. may mga nasasalihan akong fb group na ultimo mo pangkain, pambili ng gatas pinanghihingi sa soc med. oo alam ko nahihiya din naman silang gawin un. pero di kung alam mong papasok ka sa ganong sitwasyon at alam mong di kaya ng budget mo. bat mo pa gagawin? nadadamay ung mga bata. ako nga na housewife eh nagiguilty pa din pag naiisip ko na wala akong income. though alam ko kaya nman ng asawa ko. pero iba pa din ung nakakatulong ka sa kanya financially. ang hirap lang isipin na basic needs ng family mo di mo mabigay kasi wala kang panggastos. face the reality, importante na ang pera ngayon.
Magbasa pacase to case basis po.. kagaya namin na matagal na nag ttry nakailang paalaga na halos naubos ang savings namin now na wla kaming savings dun dumating si baby for us isang blessings un.. for us kasi po un naging thinking namin na dbale na mahrapan kami financially makabuo lang kahit isa... kaya ginawan namin ng paraan para masolve ung financial lacking namin.. like since malayo pa ako sumali ako ng paluwagan nag dalawang kamay ako pero bago un inassest ko muna kung kakayanin. tpos si hubby mag loan sa sss nya.. tpos ung kukulangin un ang gagawan ulit namin ng paraan. fyi po may work si hubby while may tindahan naman ako.. kaya nakaka survive kami sa check ups and mga gamot ko.
Magbasa payes need talaga. sa panganganak pa lang gastos na agad, pati check up, meds ganun. for me bilang first time mom, nag sspoting agad ako since nalaman ko na buntis ako. diretso take ko ng aspirin hanggang manganak. tapos ngbleeding ako, need ko totally complete bed rest, halos 4 months ako nakahiga, kapag check up hihiram kmi ng ambulance or rescue vehicle. naka stretcher ako papntng ospital para check up. hindi mo naman ito ineexpect na mangyayari pero God is Good talaga. hindi niya kmi pinabayaan. may dahilan kung bakit nangyari ang isang bagay.ngayon i have my baby boy 🥰
Magbasa paWala naman sa pera yan,Nasa tao talaga yan kung marunong siya/sila maghanap buhay,sipag,tyaga at higit sa lahat nagtutulongan ang husband and wife.Kaya tiisin para sa pamilya. Kung may dterminasyon siya/sila para sa pamilya ay panigurado na siya/sila ay aasenso or kahit hindi aasenso atleast binubuhay nila ang kanilang binubuong pamilya.Diba masaya pag ganon feeling.Opinion ko lang kasi yun yung naranasan namin ngayon.
Magbasa pafor me hindi dahil wala kang pera d kana pwede magkapamilya its up to both of you as parents and partners kung alam nyo na both of you ay may responsiblity kakayanin mgkafamily kasi pwede naman kitain ang pera kasi financially lahat naman ngayun ay d ganun ka stable am i right kapag nag family ka know how to be responsible para magkapera hindi naman pwede lahat iasa
Magbasa paagree po Aku Kay vice,napaka hirap po KC pag wala Kang Pera dika makakagalaw pag wala Kang Pera,kamang anak mo Di mo masahan pagdating SA pangangailangan mo or worse Yan pa dahilan magkakagalit kayu..kaya mas mabuti pag mayron Kang sariling Pera para sa pangangailangan mo.
Hindi nmn basihan Ang Pera para Sabihin na hnd na pwd magpamilya ant tao. Ang importante ay pagka nagkapamilya kana magsikap ka upang magkaroon Ng Pera. para sa pamilya.
depende po yan kc kung alam mong may responsibility ka na gagawa at gagawa ka parin ng paraan para sa pamilya mo, depende po yan
Paano bubuhayin ang mga anak kung walang pera? Manghihingi?
agree po