Help. Gusto ko nang gumaling ang baby ko. Huhu

Purely breastfed si baby, 3week-old. As per pedia: cotton balls/damp only, keep dry, no wet wipes, dahon ng bayabas, calmoseptine Ang bagal po gumaling.. :( Every 2hours na ang palit ng diaper ni baby. Nasa brand din ba ng diaper to? Any other suggestions?

Help. Gusto ko nang gumaling ang baby ko. Huhu
97 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Since day one, wipes na ang gamit kong panlinis sa baby ko. Basta alcohol free at maingat lang na ipupunas kay baby. Nakalampin din siya mula umaga hanggang hapon, gabi lang siya nagdadiaper at kada-ihi niya at poop, pinapalitan ko talaga kahit hindi pa puno. Basta magkalaman lang, pinapalitan ko na. Nagigising kasi siya every pee at poop noon eh. Okay naman ang baby ko, walang kahit ano. Pero ngayon, hindi na kami naglalampin kasi hindi na kasya. At nakakapuno na rin siya ng diaper. Kung noon ay nakaka-almost 15 na lampin sa maghapon at 7 diaper sa gabi, ngayon ay mga 5-8 diapers na lang siya buong 24 hours. Wala po akong pinapahid o nilalagay na kung ano kay baby. Sabi pati ng nurse sa amin before maiuwi si baby sa bahay one week after ko manganak (naiwan kasi si baby for antibiotics), wala raw sa brand ng diaper iyon. Wala raw sa hiyangan. Nasa paglilinis at pagpapalit. Kahit daw gaano pa kamamahalin ng diaper, kung nabababad naman, talagang maiirita ang bakat ng baby. So far, wala namang irritation si baby. Kaya napalitan na rin namin ng diaper brand si baby, hindi naman siya nagkakarashes o kung ano man. From EQ to Pampers to Lampein. Kung talagang nagkaganyan pa rin kahit okay naman sa pagpapalit ng diaper at paglilinis kay baby, dapat lumapit na po agad tayo sa Pedia. Kahit rashes pa lang, kung may something unusual kay baby na hindi tayo sigurado kung ano, lapit na agad sa Pedia. Huwag nating antayin na kung ano pa ang mangyari. Hindi sapat na naaawa lang tayo sa baby natin. Umaksyon agad bago pa lumala. PS: Sana okay lang si baby at gumaling na siya. PPS: Magulang tayo, walang masama kung aamin tayo na minsan ay nagkakamali at nagkukulang din. Wala ring masamang gumastos para mapabuti ang anak. Kaysa gumastos dahil napasama na.

Magbasa pa
4y ago

opo wla po s brand ng diaper yan minsan kc nakakaligtaan or d natin napapansin n kailangan n palitan yung diaper ni baby matuto din po tayo na pag aralan yung pag iyak ng baby natin minsan kc kya cla umiiyak kc naiirita n sila s diaper nila kahit konti pa lng yung ihi or may konting poop.hwag din tipirin si baby sa diaper kesa mapa gastos ka sa pag papagamot s knya.

kawawa naman si baby. 😔 Palitan mo po lahat ng nga ginagamit mo sa kanya. Sabon nya kung ano man sinasabon mo sa pwet nya, diaper, polbo, at wipes. Palitan mo po yan. Yung baby ku kapag kunting rashes lang dina ako mapakali pano pa kaya kapag ganyan. 😔 Ang hiyang po sa baby ko na diaper nya is eqdry, tapos polbo naman nya johnson active fresh, tapos ang wipes nya naman nursey. Ayan yung hiyang sa baby ku. Skl wag ka po gagamit ng mga wipes na mabasa. Kaya nursey binili ku nun. Sensetive skin for nb 😔Naaawa ako kay baby hays😒 Ayan po mga gamit ko kay Lo ku, at buti nalang hiyang sya. 😌

Magbasa pa
Post reply image

mommy wag na po maglagay ng calmoseptine baka hindi hiyang si baby sa zinc oxide. Natural nappy cream po, in a rash ng tiny buds effective din or drapolene or human nature nappy cream kawawa naman po si baby. Wag na po magdiaper, lampin na lang para palit agad. Nung unang nagkarashes baby ko naglagay din ako ng calmoseptine pero pagtanggal ko ng diaper napansin ko mas namula yung rashes nya kaya tinigil ko agad. Makikita mo nmn mommy kung di hiyang kay baby, wag na icontinue

Magbasa pa

i suggest stop diaper muna. in my exp my 2 kids grown sa lampin til 6 mos.. after brief or panty na. i used diaper sa gabi lang. and morning palit agad. i never use baby wipes. as in hugas talaga ng running water lang. pag poop ung soap nya. and i never put powder kasi di maganda sa skin na lagi nababasa. i never use also a petroleum jelly kasi mainit un sa balat. hayaan mo lang na nakaka singaw para mabilis matuyo. and always punas na malinis na lampin pag basa.

Magbasa pa

better lampin muna sya,pag mag wash sya ung tubig na maligamgam na pinagkuluan ng dahon ng bayabas lng palagi ang ipanghugas,then keep it dry lng ung sugat, linisan mo ung sugat wid betadine wag gumamit ng cotton para d pumasok ung fiber nya sa sugat pde ung bondage na white ang pang pahid. wg na maglagay ng petroleum dhl mainit yn sa skin..ung cream lng para sa sugat na nireseta.

Magbasa pa
VIP Member

awa ng dios si baby ko po di umaabot sa ganyang rashes kc kpag mkktaq may namumula mula sa pwet nia or singit isa lang po nillagyq ung babyflo anti rashes petrulluem jelly po and diaper ni baby is magic color kaya so happy aq na indi sensitve ung skin ni baby kc kht indi branded ung diaper nia is ok prn sknya..tlgang dpat bantay po tau kay baby..kwawa nmn po si baby..sna gumlng na

Magbasa pa

grabe na yan mommy. iconti ue mo lang yung paghugas ng pwet nya gamit ang dahon ng bayabas. hust make sure palaging napainitan ang dahon before washing. yung calmoseptine, mabagal talaga yan makaheal at nakakapagpapeklat pa pero tyagaan mo lang and kung pwede wag na mgdiaper. It needs air. bumalik ka nlang sa pedia since umabot na rin ng 1 week for further suggestion.

Magbasa pa

mamsh wag muna po mag diaper hayaan lang po na naka open siya para ma dry wag po muna gumamit ng wipes mas maganda po pag mag poop sya hugasan po ng maligamgan na tubig na may unting patak ng kung anu man ang sabin niya and pag pupunasan po ang napoy area niya make sure na malinis at soft ang pampunas at pa dampi dampi lang po saka lagyan ng diaper rash

Magbasa pa

kawawa naman ci baby sis. oo nasa brand din yan.ng diaper. try mo kung anong hiyang as for now pahinga muna si baby sa diaper mainit kasi. cotton balls and lukewarm water pahid pahid ng hinay hinay. then make sure dry na then apply mo rashfree or calmoseptine. sa pagpapakulo ng dahon ng bayabas tanggalin mo muna mga nakalutang na puti makati yon moms.

Magbasa pa

ganyan din 1st baby ko.. pampers premium ang diaper nya non. ndi ko sya nilagyan ng diaper pag daytime para mahanginan ung pwet nya para mas mabilis matuyo ung rashes/sugat. nakatulong din po ung calmoseptine cream momsh. and tama po kayo, minsan po sa brand din ng diaperm. EQ dry and Magic dry po ipinalit kong brand. naging okay naman na po 👍

Magbasa pa