Help. Gusto ko nang gumaling ang baby ko. Huhu

Purely breastfed si baby, 3week-old. As per pedia: cotton balls/damp only, keep dry, no wet wipes, dahon ng bayabas, calmoseptine Ang bagal po gumaling.. :( Every 2hours na ang palit ng diaper ni baby. Nasa brand din ba ng diaper to? Any other suggestions?

Help. Gusto ko nang gumaling ang baby ko. Huhu
97 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Since day one, wipes na ang gamit kong panlinis sa baby ko. Basta alcohol free at maingat lang na ipupunas kay baby. Nakalampin din siya mula umaga hanggang hapon, gabi lang siya nagdadiaper at kada-ihi niya at poop, pinapalitan ko talaga kahit hindi pa puno. Basta magkalaman lang, pinapalitan ko na. Nagigising kasi siya every pee at poop noon eh. Okay naman ang baby ko, walang kahit ano. Pero ngayon, hindi na kami naglalampin kasi hindi na kasya. At nakakapuno na rin siya ng diaper. Kung noon ay nakaka-almost 15 na lampin sa maghapon at 7 diaper sa gabi, ngayon ay mga 5-8 diapers na lang siya buong 24 hours. Wala po akong pinapahid o nilalagay na kung ano kay baby. Sabi pati ng nurse sa amin before maiuwi si baby sa bahay one week after ko manganak (naiwan kasi si baby for antibiotics), wala raw sa brand ng diaper iyon. Wala raw sa hiyangan. Nasa paglilinis at pagpapalit. Kahit daw gaano pa kamamahalin ng diaper, kung nabababad naman, talagang maiirita ang bakat ng baby. So far, wala namang irritation si baby. Kaya napalitan na rin namin ng diaper brand si baby, hindi naman siya nagkakarashes o kung ano man. From EQ to Pampers to Lampein. Kung talagang nagkaganyan pa rin kahit okay naman sa pagpapalit ng diaper at paglilinis kay baby, dapat lumapit na po agad tayo sa Pedia. Kahit rashes pa lang, kung may something unusual kay baby na hindi tayo sigurado kung ano, lapit na agad sa Pedia. Huwag nating antayin na kung ano pa ang mangyari. Hindi sapat na naaawa lang tayo sa baby natin. Umaksyon agad bago pa lumala. PS: Sana okay lang si baby at gumaling na siya. PPS: Magulang tayo, walang masama kung aamin tayo na minsan ay nagkakamali at nagkukulang din. Wala ring masamang gumastos para mapabuti ang anak. Kaysa gumastos dahil napasama na.

Magbasa pa
5y ago

opo wla po s brand ng diaper yan minsan kc nakakaligtaan or d natin napapansin n kailangan n palitan yung diaper ni baby matuto din po tayo na pag aralan yung pag iyak ng baby natin minsan kc kya cla umiiyak kc naiirita n sila s diaper nila kahit konti pa lng yung ihi or may konting poop.hwag din tipirin si baby sa diaper kesa mapa gastos ka sa pag papagamot s knya.