Have you ever experienced any of these Postpartum Depression signs?

I-check kung may mga naranasan ka na dito. If yes, best to consult with your doctor.
I-check kung may mga naranasan ka na dito. If yes, best to consult with your doctor.
Select multiple options
Lagi kang malungkot simula nang manganak ka (baby blues)
Lagi mong napi-feel na guilty ka kahit hindi mo alam kung bakit
Nawalan ka bigla ng interest sa mga bagay na dati mong gusto
Hirap na hirap ka sa pag-decide sa mga bagay
Lagi mong iniisip na hindi ka "good mom"
Sobrang gulo ng sleeping patterns mo
You always feel stressed (even over little things)
Gusto mong saktan ang sarili mo
Wala pa akong naranasan sa mga signs na ito

1414 responses

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yes po, kasi 5 days after kong manganak nag ka postpartum hemorrhage naman ako sinalinan ako ng dugo dahil kalahati ng dugo ko nawala, nakakita na ako ng liwanag (muntik na akong sumama) lagi ko lang nakikita smile ng anak ko, kaya pinilit kong lumaban, sobrang na iyak ako sa hospital after ng procedure . hindi ko din alam nararamdaman ko syempre nag aadjust ka palang kay Lo tapus ito na naman problema sobrang nahirapan din kami mag hanap ng dugo. Pero thank you kay lord binigyan ako ng second life, until now pag na iisip ko na iiyak parin ako. mag to 2 months na si lo. 😊

Magbasa pa

halos lahat hindi lang saktan ang sarili at hindi lang ako pati si lo ko Thanks to God 🙏 now 8 months si lo ko hindi na ganun kalala sa 1st 3months after i giving birth ganyan mga mararamdaman ko at lagi akong galit at naka sigaw sa eldest ko kaya pag gabi muiiyak ako.salamat dahil kahit papano may kaka usap ako at may nababasang tulad nito apps na to midyo nabawasan na at need to pray always kay God -sa lahat ng mga inang katulad ko na nakakaranas ng PPD malalagpasan din natin to in Jesus name Amen!!!

Magbasa pa

naiirita ako sa anak ko, may times na gusto ko siyang saktan.. minsan nasisigawan ko siya.. months old pa lang ang anak ko.. tas lagi akong nakaka isip ng patay, may patay or papatayin.. ang hirap labanan.. may time na nasasaktan ko anak ko.. pero kapag naka tulog na sya.. iyak ako ng iyak while saying sorry to him.. sobra sobra akong na gagalit sa sarili ko.. niyayakap ko sya.. habang na iyak ako.. at na hingi ng sorry.. hindi ko gusto.. talagang dahil lang sa depression ko

Magbasa pa

after giving birth, may mga panahon na pakiramdam ko ang bilis kong maging sensitive,may panahon na nalulungkot ako over small things,but then I am aware na due sa hormonal imbalance lang kaya ako nakakaranas ng ganoong pakiramdam. Maybe that awareness sa sarili kong state ,it leads me to heal or calm my self kapag nasa ganoong state ako.

Magbasa pa

Naging suicidal na Rin yung pag-iisip but I keep praying to fight those negative thinking..iniisip ko Rin mga anak ko..god is always my savior everytime na nag-iisip na Ako ng Hindi maganda..Malaki ba po mga anak ko..10 yr old na bunso..pero nakaranas pa rin ng depression because of not healthy relationship 😥

Magbasa pa

okay naman ako pgdating sa baby ko kaya lng mas stress ako sa financial ngayon dahil sa partner ko na nalulong sa online sabong. sana makaraos tayong lahat ang hirap sobra 1month plng ako na cs😣😣😣😣

VIP Member

i did not notice agad na PPD un mga 1 month din ako na feeling ko na failure ako na nanay. Before akala ko ung mga nagdadaan sa PPD nag iinarte lang pero totoo pala ang PPD dahil sa hormonal imbalance

VIP Member

Sleep patterns lang . laging tulog sa umaga si baby then may house works sa bahay. kapag gabi naman laging gising si baby kami naman yung naaantok 😂 pero Ok pa din kasi God's blessing yan. ❤️

the least na maiisip ko is saktan sarili ko.. pano na mga anak ko kung may mangyari sakin? enough na mga anak ko for me to feel all the love. Always pray. Mommies! God is with us, always!

5y ago

same here.. i thought ako lng nkaranas... huhay. but I always pray the rosary and i also share and talk to my husband and to may fiends po

Sleep patterns kasi minsan kapg tulog si baby gising or hindi nman ako inaantok un lang nman po. Sending virtual hugs sa mga moms outder na nakakaranas ngayon niyan let ur voice be heard.